^

Pang Movies

Rica binalikan ang pagiging rebelde!

Pang-masa

MANILA, Philippines - Kung dati’y bida siya sa mga pelikulang sexy ang tema, ngayon, Diyos na raw ang bida sa buhay niya at ng kanyang asawa.  Ngayong Miyerkules pagkatapos ng Saksi sa Powerhouse, samahan si Kara David na silipin ang bahay at buhay ng dating aktres na si Rica Peralejo at ng kanyang pastor na asawa na si Joseph Bonifacio.

Sa isang condo unit sa Eastwood, Libis, sa Quezon City nakatira ang mag-asawang Bonifacio. Ito raw ang bahay na naipundar ni Rica sa labing walong taon na pag-aartista. Vintage ang tema ng kanilang tahanan dahil sa mga lumang gamit gaya ng mason jars, oven na mula sa kanyang lola, at ang nursing chair na upuan ni Rica noong bata pa siya.

Ipasisilip din ni Rica ang kanyang work area kung saan siya abala sa pagsusulat ng articles at blogs tungkol sa kanyang buhay may-asawa. Dito rin makikita ang kanilang koleksyon ng mga libro. Ipakikita rin niya ang kuwarto ng kanilang anak na si Philip Nathaniel. Isang malaking mapa ang nakapinta sa kisame ng kuwarto ni Baby Philip. Nararamdaman daw kasi ni Rica na magiging traveler ang kanyang anak pagdating ng araw.

Ibang-iba na ang buhay ni Rica ngayon kung ikukumpara noon. Sumali sa isang kiddie show si Rica nang mag-umpisa sa showbiz pero nang tumagal, sumabak rin siya sa pagpapaseksi.  Kasabay nito ang pagkamulat sa bisyo gaya ng alak at paninigarilyo. Halos itakwil na raw siya ng kanyang ina dahil sa kanyang pagrerebelde. Pero tuluyan nang iniwan ni Rica ang dating buhay at niyakap ang bagong pananampalataya.

Ngayon, isang full-time wife at mother si Rica simula ng isilang niya ang kanilang unang anak. Si Joe naman ay pastor at executive director ng Lifebox sa Victory Church. Paano nga ba ang buhay nila kasama ang kanilang anak. Nami-miss ba ni Rica ang mundo ng showbiz?

vuukle comment

BABY PHILIP

JOSEPH BONIFACIO

KANYANG

KARA DAVID

NGAYONG MIYERKULES

PHILIP NATHANIEL

QUEZON CITY

RICA

RICA PERALEJO

SI JOE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with