^

Pang Movies

Aktor dala-dalawa ang sugar mommy!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Gusto nang isuko ng male celebrity na ito na produkto ng isang reality competition show ang kanyang matagal nang tinatagong relasyon sa isang madatung na matrona dahil hindi naman daw tumataas ang allowance niya rito.

Halos apat na taon na raw ang kanilang lihim na lihim na relasyon pero hindi raw siya nakaranas ng pagtaas ng kanyang allowance. Feeling niya ay lugi siya sa mga pinapagawa sa kanya ng matrona.

Hindi raw maka-upgrade ng kanyang sasakyan si male celebrity dahil sa pagiging barat ng matrona.

Binigyan siya ng kotse pero second hand naman at sirain. Sa allowance pa ni male celebrity nanggagaling ang bayad kapag pinapaayos niya ang sasakyan.

Wala naman daw ibang choice si male celebrity kundi ang pagtiyagaan ang gurang dahil darating ang panahon na wala siyang magiging regular na trabaho sa showbiz.

Sinasamantala naman daw iyon ng matrona dahil alam niyang mas kailangan siya ni male celebrity ngayon.

Nagpapasalamat naman si male celebrity at nakatagpo siya ng girlfriend na galing sa de Buena familia.

Nililihim ito ni male celebrity sa matrona dahil baka kapag nalaman nito ang tungkol sa kanyang rich girlfriend ay itigil na nito ang allowance niya na pambayad niya sa renta ng townhouse at sa ilang pang mga bayarin.

Ang girlfriend nga ni male celebrity ang siyang sumasagot ng kanyang mga groceries, gasolina at ng kanilang trips out of town.

Kaya naiipon na ni male celebrity ang malaking part ng kanyang allowance mula sa matrona dahil nakahanap naman siya ng batang sugar mommy.

Echo nagi-guilty na halos walang oras sa mapapangasawa

Sa May 1 na ikakasal ang aktor na si Jericho Rosales sa kanyang fiancé na si Kim Jones.

Hindi nagbigay ng anumang detalye si Echo tungkol sa magiging wedding nila ni Kim. Nasabi lang niya na “intimate” gathering ito of family and friends.

Excited na raw si Echo at handa na siyang mag-goodbye sa kanyang pagiging bachelor. Excited din daw ang kanyang bride na matagal nang hinintay ang isa sa pinaka-importanteng araw ng buhay nila.

Pero nabanggit ni Echo na pagkatapos ng kanilang wedding ay balik kaagad siya sa taping ng primetime series niya sa ABS-CBN 2 na The Legal Wife.

Kaya postponed daw ang magiging honeymoon nila ng kanyang bride at naintindihan naman daw ito ni Kim. Malamang daw ay matuloy ang honeymoon nila sa June or August.

Naging very hectic ang schedule ni Echo noong magsimula siya sa teleserye na pinagbibidahan nila ni Angel Locsin.

May times nga raw na nakararamdam ng guilt si Echo dahil nagkukulang na siya ng panahon sa kanyang magiging bride. Mabuti na lang daw ay open-minded ito at naiintindihan nito ang kanyang trabaho bilang artista.

 

Orlando Bloom huling idine-date si Selena Gomez

Balita ngayon sa Hollywood ang pakikipag-date ni Selena Gomez sa British actor na si Orlando Bloom.

Ang ex-girlfriend ni Justin Bieber at ang ex-husband ng supermodel na si Miranda Kerr ay nakitang magkasama pagkatapos nilang manood ng concert ng TV host na si Chelsea Handler sa Los Angeles last April 26.

Nailathala sa page six ng New York Times na sabay na dumating ang 37-year old na si Bloom kasama ang 21-year old na si Gomez sa naturang concert at sabay din daw silang umalis.

Hindi raw ito ang unang pagkakataon na nakita sila Gomez at Bloom na magkasama sa isang Hollywood event. Last March ay magkasama ang dalawa sa We Day California event at pinost pa ni Gomez ang photo nila ni Bloom with comedian Seth Rogen sa kanyang Instagram account.

Naghiwalay si Bloom at ang kanyang misis na si Miranda Kerr noong October 2013 pagkatapos ng tatlong taong pagsasama. Meron silang isang anak.

Si Gomez naman ay on and off ang pakikipagrelasyon kay Bieber.

vuukle comment

CELEBRITY

DAW

GOMEZ

KANYANG

MALE

MIRANDA KERR

NAMAN

ORLANDO BLOOM

SELENA GOMEZ

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with