^

Pang Movies

Pinagtataguan ni Deniece Cornejo bistado na!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Tiyak na aligaga ngayon ang mga reporter at TV crew dahil tututukan nila ang paglilipat kina Cedric Lee at Zimmer Raz sa Taguig City Jail sa Camp Bagong Diwa.

Dadalhin ang dalawa sa kulungan mula sa NBI Headquarters sa Maynila. Mahihirapan sina Ced­ric at Zimmer sa kulungan dahil sa sobrang init ng panahon. Hindi naman airconditioned ang Taguig City Jail. Imposibleng hindi ma-miss nina Cedric at Zimmer ang kanilang komportableng pamumuhay noong nasa laya pa sila. Mahihirapan na sila na mag-smile kapag nasa loob na sila ng Taguig City Jail.

Mapagbiro talaga ang tadhana. Parang kailan lang, si Vhong Navarro ang nakaposas dahil sa rape case na ibinintang sa kanya nina Cedric at Deniece Cornejo.

Three months later, si Cedric at ang mga kasabwat niya sa pagbugbog kay Vhong ang nakaposas. Tama ang sinasabi ng mga baklita na digital na ngayon ang karma.

Kumalat kahapon ang balita na malapit nang ma-Julie Yap Daza (mahuli) si Deniece dahil sa mga impormasyon na nagtatago siya sa isang northern province na medyo malapit sa Metro Manila.

Hindi raw mababale-wala ang operasyon ng NBI agents dahil sa mga tip na natatanggap nila tungkol sa kinaroroonan ng babae na minsan nang nag-request kay Vhong na dalhan siya ng foods sa condo.

 

Gov. Er magsasalita sa kanyang mga pinagdaraanan

Ngayon ang presscon ni Laguna Governor ER Ejercito para sa Palarong Pambansa na magsisimula sa  Lunes, May 4.

Haharap ngayon si Papa ER sa mga miyembro ng media kaya masa­sagot na ang maraming katanungan  tungkol sa mga kontrobersya na pinagdaraanan niya.

Kahit may mga pagsubok na nararanasan, ginagawa at tinutupad ni Papa ER ang mga tungkulin niya bilang ama ng lalawigan ng Laguna, isang ugali niya na kapuri-puri.

Magarbo ang opening ce­re­monies ng Palarong Pambansa sa Lunes. Ang sabi noon ni Papa ER, mag-iimbita siya ng mga sports personality tulad nina James Yap at Cong­ressman Manny Pacquiao.

Looking forward ang mga kasali sa Palarong Pambansa na makahalubilo nila nang personal sina James at Papa Manny.

 

Niño papalit sa Carmela

Ang Niño ang ipapalit ng GMA 7 sa timeslot na mababakante ng Carmela. Mga bida sa Niño sina Miguel Tanfelix at David Remo, ang child star na nagbida noon sa Binoy Henyo.

Matagal bago nagkaroon ng follow-up project si David na hindi nawalan ng mga ginagawa dahil nag-aaral siya sa school at sunod-sunod ang kanyang mga TV commercial.

Na-miss ni David ang pag-arte sa harap ng mga TV camera  at ang mga co-star niya sa Binoy Henyo.

 

Mama Pinky maraming kuwentong showbiz

Hindi na ako nakapunta kahapon sa birthday presscon ng GMA 7 para kay Elmo Magalona dahil mas mahalaga ang lunch date namin ng aking bestfriend, Pinky Tobiano.

Maraming kuwento si Mama Pinky na may kinalaman sa showbiz pero mga off the record kaya hindi ko puwedeng i-share sa dear readers ng PM (Pang Masa).

May soft spot sa puso ni Mama Pinky ang showbiz kaya ipinagpo-produce niya ng mga concert si Erik Santos at iba pang mga singer. Si Mama Pinky ang nag-produce noon ng CD ni Lorna Tolentino na tribute nito para kay Rudy Fernandez.

 

vuukle comment

ANG NI

BINOY HENYO

CEDRIC

MAMA PINKY

PALARONG PAMBANSA

TAGUIG CITY JAIL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with