^

Pang Movies

Carla at Tom parehong nagpapatulong sa Diyos kung makakabalikan ang kanilang ex

- Vinia Vivar - Pang-masa

Ayon kay Carla Abellana, hindi raw niya nakikita sa ngayon ang posibilidad ng pagbabalikan nila ni Geoff Eigenmann.

 â€œI don’t see it working now. I don’t see it working out now talaga. Pero gaya nang lagi ko pong sinasabi, baka gulatin tayo ng Diyos, hindi natin alam. May mga bagay na nagbabago at du’n din kami ibalik or du’n din kami dalhin ulit.

 â€œSo we’ll really never know talaga. Ipagdadasal natin na i-guide tayo ni Lord kung saan tayo dapat. Hindi naman sinasara totally,” say ni Carla sa presscon ng pelikula nila ni Tom Rodriguez na So It’s You under Regal Entertainment.

Dahil uso nga ngayon ang nagpapagupit ng buhok kapag broken-hearted, natanong din siya kung bakit hindi siya nagpa-cut ng hair at say ni Carla, nagpaputol na nga siya nang lagay na ‘yun.

Natanong din ang leading man niyang si Tom kung sarado na rin ba ang posibilidad na pagbabalikan ng ex-girlfriend naman niyang si K-La Ri­vera at say niya, hindi naman daw.

“Lagi kaming nag-uusap pa rin and we’re really good friends talaga and mahirap lang talaga, gaya nang sabi ko kanina, work is a big part of it, ang hirap mag-adjust. Alam mo ‘yung hindi ako sanay sa schedule, sa sistema ng trabaho. Ngayon, I’m still adjusting to it. Like I said, I’m really falling in love with my work and I really want to focus on it.

“’Yun siguro, if I can say one thing, I never gave myself a chance. This whole 4 years that I’ve been here in showbusiness. Feeling ko, hindi ko naibigay ‘yung lahat ko. Lahat atensyon ko lagi, puro hati.

 â€œSo, for the first time in my life, I think I owe it to myself. And I owe it to my God,” sabi ni Tom.

Pero masaya ba naman siya ngayon?

 â€œSiyempre, masaya sa blessings. Pero anytime that something ends, it hurts. But you know, there’s a lot of great things ahead kaya I really pray for Him for signs that He was there in every step of the way kaya I know that something good will come out of it,” pahayag pa ng aktor.

Showing na sa May 7 ang So It’s You mula sa direksyon ni Jun Lana. Kasama rin sa movie sina JC de Vera and Bangs Garcia.

Mikoy at Thea ang Lakas ng chemistry

Muling nagsama ang reel and real-life sweethearts na sina Mikoy Morales and Thea Tolentino sa Maynila last Saturday na ikinatuwa naman ng kanilang mga fans. Medyo matagal-tagal na rin kasi silang hindi nakikitang magkasama sa screen dahil sa ngayon ay may kanya-kanya silang serye.

Napapanood si Mikoy sa Villa Quintana habang si Thea naman ay sa Kambal Sirena.

In fairness, talagang may chemistry sina Mikoy and Thea. Bagay silang dalawa at sana’y mabigyan pa sila ng shows na magkasama.

Matatandaang unang nagkakilala sina Mikoy and Thea sa Protégé kung saan ay naging runner-up ang una at ang huli naman ay hinirang na Ultimate Female Protegee.

Jennylyn masayang kaibigan lang si Benjamin

Hindi pa rin ready na ma-in-love si Jennylyn Mercado kaya maging siya ay nagtataka na nali-link siya kay Benjamin Alves na diving buddy niya at kasama sa triathlon group.

Matagal na raw silang magka-team mate ni Benjamin at ewan kung bakit ngayon lang nabibigyan ng kulay ga­yung ni hindi naman nanliligaw sa kanya ‘yung tao.

Sa ngayon ay ine-enjoy daw niya ang pagiging single at wala muna raw sa isip niya ang pumasok sa isang bagong relasyon. Say niya, alam naman daw niyang darating din ang right man for him kaya hindi naman daw siya nagmamadali.

Jen is happy nowadays dahil bukod sa maganda ang feedback sa kanyang Rhodora X teleserye, may bago rin siyang album na lalabas under GMA Records na malapit na ring i-launch.

 

vuukle comment

BENJAMIN ALVES

CARLA

CARLA ABELLANA

MIKOY AND THEA

NAMAN

PERO

SO IT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with