^

Pang Movies

Wedding proposal ini-announce na John Prats ini-imagine na ang pagluhod sa harap ni Isabel

- Vinia Vivar - Pang-masa

Mukhang hindi na mapipigilang matuloy sa simbahan ang relasyong John Prats at Isabel Oli. Mismong ang aktor na ang nagsabi nang matanong siya ng ilang entertainment press sa presscon ng Pinoy Big Brother All In na malapit na malapit na raw maganap ang wedding proposal niya para sa girlfriend.

Ayon pa kay John, looking forward nga siya sa araw ng kanyang proposal at excited na raw siya.

Pero ayaw magbigay ng detalye ni John tungkol dito dahil siyempre, mawawala na ang surprise.

Ayon pa sa host ng PBB All In, siguradung-sigu­rado na siya na si Isabel na ang babaeng ihaharap niya sa dambana. In fact, ini-imagine na niya ang ga­gawing proposal sa girlfriend na luluhod siya para sabihing “will you marry me?” pagkatapos ay pag­hahandaan na raw nila ang kasal at ang pagkakaroon ng anak.

Kasama kaya si Mariel?

Kuya maraming pasabog sa pagbubukas uli ng kanyang bahay!

Ayon kay Toni Gonzaga, ilang beses na raw nilang tinanong sa staff and execs ng Pinoy Big Brother kung totoo bang babalik si Mariel Rodriguez para makasama nila sa PBB All In, pero hindi raw sila sinasagot ng maayos.

Kaya nga may mga nagdududa pa rin na baka sa launching ng show this Sunday, April 27 ay bigla na lang bumulaga sa atin si Mariel dahil say ni Toni, may mga twists and revelations daw na mangyayari na maski silang mga hosts ay walang alam.

“Lagi namang ganu’n si Kuya, he always gives something unexpected to his audience and to his housemates,” say ni Toni.

Ni hindi nga raw nila alam kung sinu-sino ang housemates na papasok. May mga nagsasabing may celebrities na kasali pero walang maisagot dito sina Toni and Bianca Gonzalez.

“Actually,” say ni Bianca, “nung sinabi nila na “all in”, tinanong nga namin, ‘ipapasok n’yo ba kami ulit?’ kasi nga all in, so including kami? Tapos, tinatawanan lang nila kami. Ayaw nila sabihin talaga sa amin, eh.”

Kaya say ni Toni, magkakagulatan na lang daw talaga sa Sunday.

Kaya nga, ‘yung ingay na babalik si Mariel, posible pa rin daw ito.

“Malay natin, di ba? Baka ‘yun pala ang big reveal,” sabi ni Toni.

“Posible,” say naman ni Bianca.

So, abangan na lang natin this Sunday.

Raikko, ‘binabantayan’ si Andrea

Magsasanib-pwersa ang Kapamilya child stars na sina Andrea Brillantes at Raikko Mateo para turuan ng mahahalagang aral ang buong pamilya simula ngayong Sabado, (Abril 26) sa pagsisimula ng Wansapanataym special nila na pinamagatang My Guardian Angel.

Makakasama nina Andrea at Raikko sa My Guardian Angel sina Mylene Dizon, Ejay Falcon, Ketchup Eusebio, Ruby Rubi, Gerard Pizarras, Abby Bautista, Racquel Pareño, Lui Villaruz, Dale Badillo, at Vangie Martell. Ito ay sa ilalim ng panulat ni Joel Mercado at direksyon ni Jon ‘Sponky’ Villarin.

 

vuukle comment

ABBY BAUTISTA

ALL IN

ANDREA

ANDREA BRILLANTES

AYON

KAYA

MARIEL

MY GUARDIAN ANGEL

TONI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with