^

Pang Movies

Sikat na aktor, huli sa aktong nasa bath house

MASA...RAP - Ernie Pecho - Pang-masa

Karaniwan na sa New York City ang mga gay bath house na kunwari ay mga health and wellness centers. Dito madalas pumupunta ang mga Pinoy celebrities na tinatago ang kasarian sa sariling bansa.

Isang popular actor ang ayaw umalis sa madilim na parte ng bath house. Namukhaan siya ng kasamahan sa trabahong isa ring closeta, kaya tiningnan mabuti upang lubos na makilala.

Nang magkita ng mata sa mata, nagkatawanan pa ang dalawa at nakiusap na lang ang higit na sikat ng: “Huwag kang maingay sa atin.”

Of course hindi tumupad sa usapan ang baklita dahil lumabas ang chikang ito.

MTRCB at DGPI nagkaisa para sa industriya

Lumagda ng isang MOU (memorandum of understanding) ang MTRCB, with its Chair Eugenio Villareal, with the Directors Guild of the Philippines, Inc. (DGPI), headed by its President, Joel Lamangan and Vice president, Emmanuel Borlaza.

Sa kasunduan na beneficial sa magkabilang pa­nig, ipagpapa­tuloy nang nabanggit na mga grupo ang dialogue, upang makatulong ang MTRCB na lutasin ang mga problema sa industriya ng pelikula.

Masaya si Lamangan sa pinapakitang concern ng MTRCB sa mga taga-industriya at umaasa siyang magpapatuloy ang kanilang magandang relasyon tungo sa paggawa ng marami pang makabuluhang produkto, na kinikilala sa buong daigdig.

Sa rami ng koleksyon, laman ng bahay ni Kuya Kim malaking kayamanan

Kahit anong larangan ang pasukin ni Kim Atienza, namumukod tangi siya. Isang multi-awarded broadcaster, umaani na siya ng tagumpay sa triathlon. Kasama sa kanyang health regimen ang sport na ito, kaya higit niyang pinagsisikapan na magwagi sa mga palarong sinasalihan as a triathlete.

Pati sa pagiging art collector, kinikilala na si Kim. Ang kanyang bahay ay mistulang art gallery na sa rami ng mga precious paintings by Julie Luch, Jerry Araos, Louie Cordero. In harmony ang mga artworks sa koleksyon ni Kim with his vintage furniture, na gawa ng mga bantog na designer from all over the world.

Ang kanyang mga koleksyon sa bahay niya sa Malate, malaking kayamanan na.

Isabel inconsistent sa relasyon nila ni John

Mahirap intindihin ang mga statement ni Isabel Oli tungkol sa relasyon nila ni John Prats. Minsan sinabi niyang gusto niyang magpakasal sa actor/dancer. Bigla namang binabawi at sinabing “huwag na lang sana.” Parang naglalaro lang.

Ngayon nagdarasal naman ang Cebuana na ma-preserve ang kanilang affair. Ano ba talaga, Isabel?

Baka ibaling ni John ang kanyang atensyon sa iba.

Status ng relasyon ni Bossing at Pauleen, walang nakaaalam!

Ang speculated engagement nina Vic Sotto at Pauleen Luna ay hindi ma­kalkal nang husto. Kahit ano pa ang gawin ng mga masyete. Wala silang makitang solid confirmation.

Isang well-kept military secret kung may formal agreement na ang pareha. Desisyon naman nila ang pagpapalasa; at sila ang magsasama ng habang buhay (kung talagang tatagal), kaya maghintay na lang tayo na kina Pauleen at Bossing manggaling ang formal announcement.

Hindi naman pwedeng mag-ilusyon si Pauleen na engaged to be married na sila, kung wala talagang proposal si Bossing.

CHAIR EUGENIO VILLAREAL

DIRECTORS GUILD OF THE PHILIPPINES

EMMANUEL BORLAZA

ISABEL OLI

ISANG

PAULEEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with