Gian Magdangal nangangailangan ng trabaho!
Wish ni Gian Magdangal na magbago ang kanyang kapalaran dahil jobless siya hanggang ngayon.
Meron naman daw siyang mga raket pero hindi naman daw ito puwedeng ibuhay ng pamilya.
Full time dad daw muna ang drama niya at balak niyang maghanap ng corporate job kung saan puwede siyang magkaroon ng regular salary dahil grade one na ang anak niya sa Ateneo.
Plano rin niyang magpunta sa U.S. at dun magÂhanap ng trabaho. Kaya hindi raw makatarungan na pagbintangan siyang nanligaw dahil wala nga siyang trabaho kahit sa TV.
Civil naman daw sila ni Sheree, ang ina ng kanyang anak, pag nagkikita sila. Nag-live in for five years ang dalawa at nagkaanak nga sila ng isa.
Pero nag-iiba ang timpla ng mukha ni Gian kapag nababanggit ang name ni Sheree na obviously ay ayaw niyang pag-usapan.
Pero teka parang kailangan ding ibahin ni Gian ang image niya dahil ang obserbasyon ng mga nakakakita sa kanya, parang pasan niya ang mundo.
May sinisimulan siyang album pero wala pa naman daw kasiguruhan kung kailan matatapos.
Singer na sumikat sa FB, may ibang career na
Ang bilis ng asenso ng Facebook sensation na si Amiel Orio. Si Amiel ay napadaan lang sa GÂlorrietta kamakailan at napakanta siya sa videoke. Merong nag-upload ng kanyang pagkanta na agad lumikha ng ingay sa social media.
Sa loob ng tatlong araw ay umabot agad sa 128,000 ang nag-share sa pagkanta niya.
Kaya naman pati si Kuya Germs Moreno ay nag-request pa sa kanya ng dalawang kanta nang i-guest siya sa Walang Tulugan with Master Showman sa GMA7 dahil bumilib ito sa boses niya.
Hindi naman natakot si Amiel na ikumpara siya kay Marcelito Pomoy, ang unang grand winner ng Pilipinas Got Talent sa ABS-CBN kasi pareho sila ng istilo na dalawang boses ang ginagamit kapag kumakanta. Mas boses lalaki at buong-buo lang ang kay Amiel at matining na pambabae naman ang binabanatan niya tulad ng The Prayer.
Pang-Maalaala Mo Kaya or Magpakailanman ang buhay ni Amiel. Lumuwas sa Manila ang 22 years old na binata para lang makapagtrabaho dahil inatake sa puso ang kanyang nanay last year. Tubong Northern Samar si Amiel, graduate siya ng nursing last 2011 at panganay sa apat na magkakapatid. Kaso wala siyang mapasukang trabaho kaya napilitan siyang mag-audition sa Music Box at dahil sa mahusay at maganda talaga ang boses niya kaya nakuha siyang talent ng music bar.
Ang kinikita niya sa pagpi-perform ang pinangtustos niya sa panggagamot sa nanay niya na may heart problem. Ngayon ay tuloy pa rin ang pagpapadala niya para sa medication ng nanay niya at pagpapaaral sa kanyang mga kapatid.
Pero ngayong pumatok siya sa FB, tiyak na madadagdagan na ang raket niya.
- Latest