^

Pang Movies

Mommy D. gustong patikimin ng adobo si Bradley

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Sa pagkapanalo ni Manny Pacquaio laban sa Amerikanong si Timothy Bradley may nag-comment na  tiyak na lalong naduwag si Floyd Mayweather na labanan ang pambato ng bansa.

Lalo na sa ipinakitang husay at disiplina ni Manny sa kanyang laban kahapon.

Siyempre walang kupas ang magandang PR ni Mommy Dionisia na niyakap si Bradley pagkatapos ng laban. Hindi pa dun natapos dahil ayon sa tweet ni Chris Ross, ininvite pa ni Mommy D si Bradley sa hotel room nila ni Manny para kumain ng lumpia, adobo, at pansit. Bilib ang San Miguel player na si Chris Ross sa kabutihan ng nanay ni Manny.

Dating bokalista ng Alamid, aktibo pa rin

Ang husay naman ng bandang Gary Ignacio and Saintstreet nung mag-perform ang grupo last Thursday sa Bar@1951 sa Malate, Manila malapit sa Remedios Circle.

Astig talaga si Gary Ignacio na leader ng banda na nagso-solo na ngayon. Nakilala siya bilang bokalista ng Alamid.

Kahit medyo nagka-edad na, kakain ng alikabok ang mga mas batang singer kung husay at patagalan sa paghataw sa stage ang pag-uusapan. Kaya niya lahat ng klase ng kanta, kaya nag-enjoy ang mga magbabarkadang gumimik sa venue at maging foreigners sa audience ay halatang impressed sa galing ng banda.

Kaya naman hataw din sa LS FM radio station ang carrier single ng Gary Ignacio and Saintstreet na Sarap ng Fiesta mula sa bago nilang album na may pamagat na Bagong Umaga na released ng GMA Records. 

Naglalaman ang album ng 14 songs at may dalawang bonus tracks na Great to Fall at Flowers.

Si Gary ay tumatayong manager at lead vocalist ng banda na binubuo ng limang miyembro na kapwa rin niya mga tubong Malabon. Sa tagal na ni Gary sa music scene, hindi pa rin kumukupas ang love at passion niya sa pagbabanda.

Samantala kapag hindi busy sa pagtugtog, inaasikaso ni Gary ang kanyang Broom Boy Pizza business na matatagpuan din sa Malabon.

vuukle comment

ALAMID

BAGONG UMAGA

BRADLEY

BROOM BOY PIZZA

CHRIS ROSS

FLOYD MAYWEATHER

GARY IGNACIO

GARY IGNACIO AND SAINTSTREET

KAYA

MALABON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with