^

Pang Movies

Pacman malaki ang pasasalamat sa Diyos!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Congratulations sa ating Pambansang Kamao Manny Pacquiao at malaking pasasalamat sa Diyos dahil itinulot Niyang mabawi ni Manny ang kanyang WBO Welterweight belt kay Timothy Bradley.  May nag-tweet nga na “Bradley is fighting for his family, Paquiao is fighting for his country!”

Tagumpay nga ito ng bansang Pilipinas na malakas pa rin ang paniniwala sa kakayahan ng ating kampeon.

Marian naiyak sa mga taga-Roxas

Umiyak naman si Marian Rivera sa napakainit na pagtanggap sa kanya ng mga fans sa Roxas City (Capiz).  Noong nag-press visit nga kami sa set ng Carmela, sinabi ng actress na first time niyang pupunta sa Roxas City at mag-isa lamang siyang magpapasalamat sa success ng kanilang drama series doon, which is part na rin ng GMA Regional show. Kasama lamang niya ay ang best friend niya, ang comedian na si Boobay na siyang nag-host ng show. Pero ikinagulat nga ni Marian ang napakaraming fans na pumuno sa Robinsons Roxas Mall. Kaya labis-labis ang kanyang pasasalamat at game siyang nakipag-showdown sa mga fans sa pagsayaw. Nangako rin siyang babalik roon kapag pinag-show siya muli roon.

Sa set visit, biniro naman si Marian kung ano ang feeling niya na pinag-aagawan siya ng tatlong lalaki sa serye nila (Alden Richards, Raymond Bagatsing, at Roi Vinzon). Flattered daw siya at ikinatuwa rin niya na ginawa siyang bagets ng writer nilang si Suzette Doctolero. Lahat daw ng outfits niya roon, suggestions lahat ni Ate Suzette niya.  At least daw may something new sa character niya.

Hindi pa alam ni Marian kung saan sila pupunta ni Dingdong Dantes sa Holy Week. 

Abangan na raw lamang kung ano ang ipo-post niya sa Instagram.  Kapag beach ang naka-post, sa Batangas lamang sila, pero kung nag-post daw siya ng Sakura (Cherry) Blossoms, tiyak na na-approve ang kanilang visa to Japan.

Barbie at Derrick balikan na uli

Tiyak na hindi na kami kukulitin ng mga fans nina Barbie Forteza at Derrick Monasterio bakit wala pang bagong project ang dalawa after ng AnnaKareNina. 

Naka-schedule nang mag-taping sa April 23 ang new afternoon prime drama series nila, ang The Half Sisters. Gaganap na magkapatid sina Barbie at Protégé winner Thea Tolentino. Mother nila si Jean Garcia, kasama pa rin sina Jomari Yllana, Ryan Eigenmann, Mel Martinez, Andrei Paras, JC Tiuseco, Pinky Marquez, Carlo Gonzales at si Ms. Carmen Soriano.  Balik din si Direk Mark Reyes sa pagdidirek sa mga tweens, but this time, mas seryoso ang tema nito. 

 

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

ANDREI PARAS

ATE SUZETTE

BARBIE

BARBIE FORTEZA

CARLO GONZALES

NIYA

ROXAS CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with