^

Pang Movies

James binigyan ng blank check si Kris

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Bongga si James Yap, blank check ang ibinigay niya kay Kris Aquino noong 7th birthday ni Bimby who will really turn 7 on April 19, which was Holy Saturday kaya inagahan nila ang birthday party. 

Napagkasunduan kasi nina Kris at James na paghahatian nila ang gastos sa birthday ni Bimby at since hindi alam ni James kung magkano iyon, ipinabahala na niya kay Kris ang pagsulat ng amount sa check. 

Tama si Kris sa pagsasabing nine years ding inalagaan ni James si Joshua nang dumating siya sa buhay nila, kaya naman pagdating ni James sa party, yumakap agad si Joshua dito at kumapit na sa braso ng cager bago nila pinuntahan si Bimby na nakikipaglaro sa kanyang mga batang guests.

Kris tinanggihan ang massacre movie with Derek

Kung sa contract signing ni Derek Ramsay as the new Regal Baby last Thurs­day, napag-usapan ang dalawang movies na gagawin niya sa production nina Mother Lily Monteverde and daughter Roselle Monteverde-Teo, ‘yung isa ay naisulat na naming una niyang makakatambal si Marian Rivera for a sexy-drama movie, at ang isa ay with Kris Aquino, na based sa Maguindanao Massacre, pero hindi pa sure kung matutuloy ito dahil tumanggi raw si Kris. 

But a source told us last Thursday evening na tiyak nang matutuloy ang project nina Derek at Kris dahil pinayagan na raw ng Star Cinema na gawin niya ang movie sa Regal Entertainment, Inc. Bale iyon daw ang last movie sa contract na pinirmahan ni Kris noon sa Regal. 

In return, sa Star Cinema muli gagawa ng movie si Kris sa coming Metro Manila Film Festival (MMFF) sa December. Meaning, wala nang part two ang My Little Bossings na ginawa ni Kris with Vic Sotto at unang pagtatambal ng mga bagets na sina Bimby Yap Jr. at Ryzza Mae Dizon. 

With the big result ng first movie nila sa last MMFF, nabalitang gagawa raw ng sequel si Kris, kaya hindi kami magtataka kung sa Star Cinema na ito gagawin ni Kris. Hintayin na lamang natin ang next na mangyayari dahil sa June, malalaman na kung anu-anong movies ang ipalalabas sa MMFF 2014.

Vhong nabunutan na ng tinik

Napaiyak si Vhong Navarro nang ibasura ng korte ang rape case sa kanya ni Deniece Cornejo kaya nagpasalamat siya sa kanyang pamilya at mga kaibigan na sumuporta sa kanyang laban. Sa kabila raw ng mga nangyari, sinabi ni Vhong na naging mabuti siyang anak sa kanyang mga magulang at gusto raw niyang ipakita ito sa mga anak niya. Humingi rin siya ng sorry sa kanyang girlfriend na si Tanya na pinagkasalahan niya at nagpasalamat siya na nanatili itong nagtitiwala sa kanya at pagbibigay nito ng second chance sa kanya.  Nangako siyang magiging faithful na sa girlfriend.

Kaya naman masayang-masaya ang comedian-host at malaki raw boost sa kanya ang tagumpay niya sa korte at mas makapagbibigay siya ng time na mag-promote ng bago niyang movie sa Star Cinema, ang Da Possessed with Solenn Heussaff. Mapapanood ang movie na dinirek ni Bb. Joyce Bernal simula sa Holy Saturday, April 19, in all cinemas nationwide.

vuukle comment

BIMBY

BIMBY YAP JR.

DA POSSESSED

DENIECE CORNEJO

HOLY SATURDAY

KRIS

KRIS AQUINO

MOVIE

STAR CINEMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with