^

Pang Movies

KC bumili ng lupa sa Palawan

Jun Lalin - Pang-masa

MANILA, Philippines - Ang San Vicente sa Palawan ang destinasyon ng maraming mga taga-showbiz ngayong Holy Week.

Maraming mga taga-showbiz ang kaibigan ng mayor ng lugar, si Mayor Pie Alvarez.

Si Mayor Pie rin ang sinasabing tumulong kay Derek Ramsay nang magkaroon ito ng problema sa loteng binili sa lugar na ‘yon.

Maganda ang San Vicente at sinasabing ito ang next  Boracay, kaya ngayon pa lang, mabentang-mabenta na ang mga lupa sa lugar na ‘yon.

Balitang bumili rin ng lupa doon si KC Concepcion.

Anjanette nagpapapayat na

Kapag nasa Amerika ako, nagkakatawagan kami ng dating sexy actress na si Anjanette Abayari, hindi nga lang magtugma-tugma ang schedules namin, kaya hindi kami magkita-kita.

Ayon kay AJ (palayaw ng dating sexy actress), okay lang sa kanya na mag-entertain ng acting offers.

Pinag-iisipan pa rin naman ni  AJ ang pagbabalik sa local showbiz kung may magandang offer.

Hanggang ngayon daw, may isang showbiz manager na nakakausap si AJ at ito ang nagbibigay ng advice sa kanya.

Ang alam ko, nagpapapayat ngayon si AJ at noong April 7, nag-post siya ng video sa kanyang Facebook account.

 â€œToday I achieved my goal Precision Fitness losing 8% of my body weight in 14 days... I held my breath as Manny Pacquiao personally watched our weight on the scale. And was so thrilled when I made it.!! Thank you for the great incentive!”

Napayakap pa nga si AJ sa pambansang kamao pagkatapos makita sa weighing scale na 8% ng timbang niya ang nabawas sa loob lang ng dalawang linggo matapos nga ang instant Biggest Loser pa-contest ni Pacman.

Ang alam ko rin, kumukunsulta ngayon si AJ sa isang sikat na Hollywood dermatologist, si Dr. Tess Mauricio, na isang Filipina.

Anak ni Celso ad mas nagkakatrabaho ‘pag nasa Amerika

Nakatsikahan ko ang anak ng yumaong batikang direktor na si Celso Ad. Castillo, si Chris Castillo.

Isa na ring direktor si Chris at kung sa Amerika ay nakagawa siya ng dalawang indie films, dito naman ay sunud-sunod na ang kanyang mga proyekto.

Si Chris ang direktor ng Diplomat Hotel na pinagbidahan ni Gretchen Barretto.                                                                 

vuukle comment

AMERIKA

ANG SAN VICENTE

ANJANETTE ABAYARI

BIGGEST LOSER

CELSO AD

CHRIS CASTILLO

DEREK RAMSAY

DIPLOMAT HOTEL

DR. TESS MAURICIO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with