^

Pang Movies

Drama actress nakabitin ang pagre- renovate sa bahay dahil wala pang trabaho

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Kawawa naman pala ang drama actress na ito dahil hindi niya muna pinasimulan ang pag-renovate sa nabili niyang townhouse dahil hanggang ngayon ay wala pa siyang bagong trabaho.

Ilang buwan na ngang jobless si drama actress simula noong matapos ang teleserye niya last year. Ngayon ay magli-limang buwan na ay wala pa ring ibinibigay na bagong show sa kanya kaya wala siyang pinagkikitaan na regular.

Balak pa namang simulan na ni drama actress ang renovation sa nabili nitong townhouse sa Quezon City. Handa na raw ang mga plano sa pagpapaayos nito. Pero ang naging problema ay kung saan niya kukunin ang datung.

Kung ibubuhos daw niya lahat ng savings niya sa renovations, tuluyang mawawalan ng pera si drama actress. Paano na ang ibang gastusin niya at ng kanyang pamilya?

Kaya minabuti niyang on hold muna ang renovations hanggang may pera na pumapasok mula sa isang bagong teleserye.

’Yun nga lang, mukhang wala pang planong bigyan siya ng new show at tila hindi siya ang priority ng network.

Sarah ibinuking na ni Richard, ‘ilaw ng tahanan’ daw

Ipinahiram ng ng GMA 7 ang nagbabalik sa kanilang si Sarah Lahbati para sa isang TV movie sa Studio 5 Originals na More Than Words.  Makakasama niya sina Alice Dixson, Carl Guevarra, Mark Gil, at Jackie Lou Blanco. Mula ito sa direksiyon ni Jon Red at isa itong Mother’s Day presentation.

“I’m both excited and nervous to be a part of this project. We have a great cast and creative team. I’m looking forward to work with Ms. Alice Dixson who plays my mother here,” sabi pa ni Sarah.

“Nakakatuwa na nakaka-pressure. They wrote such a beautiful script so I can’t wait to start taping on this project. I just want to enjoy and give it everything I’ve got.”

     Noong nakaraang Sunday ay na-welcome na ulit sa Kapuso Network si Sarah via Sunday All Stars. Tinanong si Sarah tungkol sa isang post ng boyfriend niyang si Richard Gutierrez sa Instagram na isa siyang “ilaw ng tahanan.”

“It’s probably best to ask him. Ewan ko sa kanya bakit may ganun-ganun pa siyang sinabi. But Richard is an amazing person. We’re very happy and our relationship is very, very stable,” diin ni Sarah.

Wala pa nga raw sa mga plano nila ang magpakasal, lalo na’t nagsisimula ulit si Sarah sa kanyang career pagkatapos mawala ng higit na isang taon.

“I’m just happy that everything is falling into place. Actually, I’ve said this before and I’ll say it again. Since I came back, people have been asking me, what’s the one thing that I missed and I always say, it’s acting. I’m just excited to be able to work again,” sabi ni Sarah.

Dating stepmother ni Oprah pinapalayas na sa bahay

Pinadalhan ng eviction notice ang stepmother ni Oprah Winfrey na si Barbara Winfrey sa $1.4 million house sa Nashville, Tennessee na pag-aari ng Queen of Talk.

Niregalo ito ni Oprah sa kanyang amang si Vernon Winfrey at sa bago nitong asawa noong ikinasal sila noong 2000.

Pero pagkatapos ng sampung taon ay naghiwalay ang dalawa at nag-file for divorce si Vernon in 2012.

Pagkatapos ng ilang court hearings at na-grant ang divorce, doon na dumating ang eviction notice kay Barbara. Kailangan na niyang i-vacate ang bahay within 60 days.

Aminado si Barbara na pag-aari ni Oprah ang bahay na tinirhan niya for 13 years na, ngayon ay wala na siyang ibang mapupuntahan pa.

Dagdag pa ng 66-year-old ex-stepmom ni Oprah, meron siyang record of “bad credit” kaya imposible raw na maka-rent niya ng bagong tirahan.

Say niya, “I’m not trying to stay here just to stay here.  Where am I going to go at 66 to find someplace to live? Who’s going to rent to me?”

Kuwento pa ni Barbara na kaya nauwi sa isang legal dispute ang marriage niya kay Vernon ay dahil isa itong womanizer at ilang years daw niyang tiniis iyon. Kabilang sa mga babaeng kinalokohan ni Vernon ay mga prostitute.

Kasama nga raw sa divorce deal ay ang pagbigay kay Barbara ng ibang bahay na titirhan nito sa Chateau Valley in Nashville. Pero hindi ito tinanggap ni Barbara.

May kasama kasing “confidentiality agreement” ang paglipat ni Barbara sa ibang bahay na na-offer diumano ni Oprah. Pero ayaw pumirma ni Barbara.

May offer din na ibebenta ang bahay at half of the sale ay ibibigay kay Barbara. Hindi rin daw ito tinanggap ni Barbara.

“It’s not money. It’s never been about money. If it had been about money, I would have taken it and run a long time ago,” giit pa ni Barbara Winfrey.

vuukle comment

ALICE DIXSON

BARBARA

BARBARA WINFREY

BUT RICHARD

CARL GUEVARRA

NIYA

OPRAH

PERO

SARAH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with