^

Pang Movies

Drew mag-e-enjoy sa Mango Festival ng Zambales

Pang-masa

MANILA, Philippines - Bibida ang probinsiya ng Zambales, isa sa pinakamalapit na summer getaways sa Metro Manila, sa isa na namang masayang episode ng Biyahe ni Drew ngayong Biyernes, Abril 11, sa GMA News TV.

Kasama si Biyahero Drew Arellano, maki­saya sa Mango Festival ng Zambales na tampok ang iba’t ibang uri ng mangga na kinilala ng Guiness Book of World Records bilang pinakamatamis sa buong mundo, at ang Zambales bilang Sweetest Mango Producer in the World noong 1995. 

Tunay na hindi magpapa-awat ang patuloy na paglago ng mango industry ng probinsiya. Samahan si Drew sa pagbisita sa isa sa mga kilalang mango orchard sa Zambales, ang Rosa Farm, na puwedeng mamitas ng mangga at bilhin ito sa halagang 80 pesos per kilo. Marami pang puwedeng pagpilian na variety tulad ng Zambales mango, Golden Queen, at Millennium mango.

At dahil fiesta, sasali rin si Drew sa mga palaro tulad ng pagalingan sa pagkain ng mangga at annual Life Guard Challenge. Kayanin kaya ni Drew ang mga makakatapat niya?

Samantala, hindi raw makukumpleto ang pamamasyal sa Zambales kung hindi dadaanan ang Casa San Miguel na kilala bilang isang mahusay na music school. Lilibutin din ng Biyahe ni Drew ang mga sikat na isla ng probinsiya tulad ng Capones, Anawangin, at Potipot Islands. 

Sama na sa Biyahe ni Drew ngayong Biyernes, 8 p.m., pagkatapos ng Mars, sa GMA News TV.

BIYAHE

BIYERNES

CASA SAN MIGUEL

DREW

DREW ARELLANO

GOLDEN QUEEN

GUINESS BOOK OF WORLD RECORDS

LIFE GUARD CHALLENGE

MANGO FESTIVAL

ZAMBALES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with