^

Pang Movies

Kasalan kina Mayor Herbert at Kris malabo pang mangyari

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Malabo pa ang kasalang inaasam-asam ngayon sa pag-amin ni Kris Aquino sa pagdi-date nila ni Quezon City Ma­yor Herbert Bautista. ’Yun kasi ang tukso sa kanya ni Boy Abunda matapos ang arya niya sa estado ng relasyon nila ng QC mayor.

“Hindi pa nga siya nagpu-propose sa akin. Hahaha!” tugon ni Kris sa tukso ni Kuya Boy.

At least, wala na ’yung drama ni Kris na getting to know each other pa lang siya ni Mayor Bistek. Work in progress ang feeling niya sa nangyayari sa kanila ng QC mayor.

Pero malalaman natin sa susunod na araw kung talagang mabubusalan ang bibig ni Kris sa pagkukuwento ng relasyon nila ni Herbert. Kilala namin ang politician sa pagiging tahimik pagdating sa personal na buhay lalo na sa nauugnay sa kanyang babae. Eh taliwas ’yon sa image ni Kris, huh!

Eh mapunta man sa simbahan ang relasyon nina Kris at Herbert, kapwa naman sila walang sabit kaya walang puwedeng pumigil sa kanilang gusto, ’no?

Dating karelasyon ni Herbert hindi apektado kay Kris

Kung may taong hindi apektado sa relasyon nina Kris Aquino at Mayor Herbert, siya ay si Eloisa Matias. Si Eloisa ay executive producer dati ng The Sharon Cuneta Show kung saan isa sa co-hosts ang alkalde.

May dalawang anak si Herbert kay Eloisa pero hiwalay na sila ngayon. Si Tates Gana ang pumalit sa kanya sa buhay ng comedian-politician.

Ngayon ay bahagi si Eloisa ng 30th anniversary concert ni Gary Valenciano na ARISE, Gary V. 3.0 sa Smart Araneta Coliseum this Friday and Saturday. First time niyang magiging bahagi ng concert ni Gary V.

Sa presscon ni Gary, kinorner si Eloisa ng kaibigang press. Wala naman siyang sinabi tungkol kay Kris.

“Hindi naman kami napapakilala nang personal. Sa talk shows naman kasi siya samantalang sa musical shows ako ng ABS-CBN.

“Pero I’m sure, meron na siyang alam sa akin. Hahaha!” saad ni Eloisa.

Eh si Tates, okay ba sila?

“Pag-usapan na lang natin ’yan kasi puro off the record ang masasabi ko,” tugon niya.

 

Ryzza Mae binigyan na ng susi ni Bossing Vic, sariling bahay natupad na!

Pagbalik sa Toronto, Canada at saka mananamnam ni Ryzza Mae Dizon ang regalong bahay at lupa sa kanya ng TAPE, Inc. Sa first anniversary ng show niyang The Ryzza Mae Show kahapon binuksan ang sorpresang regalo ni Bossing Vic Sotto.

Eh wala mang direktang sinabi, may bali-balita na nagbigay ng pera si Vic upang mapunuan ang kulang sa ipon ng child star na pambili ng bahay at lupa.

Isa munang key chain ang nakita ni Ryzza Mae sa regalo nang buksan niya ito. Pero nang lumabas ang video message ni Bossing sa kanya, na lagayan ng susi para sa bahay at lupa nila ang key chain, hayun at humagulgol na si Ryzza Mae hanggang sa matapos ang episode.

Aba, sosyal si Ryzza dahil after tumuntong sa Canada ay sa sariling bahay na niya ang susunod niyang tulog, huh!

vuukle comment

BOSSING VIC

BOSSING VIC SOTTO

BOY ABUNDA

ELOISA

ELOISA MATIAS

GARY V

KRIS

KRIS AQUINO

RYZZA MAE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with