^

Pang Movies

Lance maayos na ang hitsura sa tulong ng titanium

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Maayos na ang hitsura ni Lance Raymundo dahil nalagyan na ng titanium ang kanyang mukha na nabagsakan ng mabigat na barbell.

Ang sabi ni Lance, almost 100 pounds at hindi lamang 80 pounds ang barbell na dahilan ng pagkayupi ng kanyang mukha.

Walang mag-aakala na nasira ang mukha ni Lance dahil normal na normal na ang kanyang hitsura.

Ikinuwento niya sa Startalk na iyak nang iyak ang kanyang personal trainer sa nangyari. Parang kapatid na ang turing ni Lance sa kanyang personal trainer kaya nagpatawad agad siya. Wala raw kasalanan ang personal trainer dahil aksidente ang nangyari. Napakabuting tao ni Lance at ng kanyang pamilya.

Modo ni Sam alam ni Butch

May isyu pala si Butch Francisco kay Sam Concepcion at lumitaw ito sa balitaktakan namin kahapon sa Startalk.

May insidente yata na hindi nagbigay-pugay si Sam kay Butch nang magkita sila at minasama ito ng co-host ko sa Startalk.

Base sa tono ng pananalita ni Butch, kampi siya kay Anne Curtis sa isyu nito at ni Sam.

Mabilis na nag-react ang fans ni Sam. Hindi nila ma-take ang mga statement kahapon ni Butch sa Startalk. Para sa fans ni Sam, mabait at magalang ang kanilang idolo.

Enrique at Sam absuwelto na sa pagkakadikit sa beauty queen

Artista ang boyfriend ni Bb. Pilipinas-International Bianca Guidotti at napapanood siya sa Mirabella.

  Hindi dapat maalarma ang fans nina Sam Concepcion at Enrique Gil dahil hindi sila ang karelasyon ng bagong hirang na beauty queen. Greggy Santos ang name ng dyowa ni Bianca na kaklase sa high school ni Aila Marie Reyes, ang anak ni Mama Aster Amoyo.

Si Bianca ang representative ng ating bansa sa Miss International na gaganapin sa Japan. Puwede silang magkita roon ni Aila dahil, ayon kay Mama Aster, working na si Aila sa isang malaking kompanya sa Tokyo. Fluent si Aila sa pagsasalita ng Japanese language. Puwedeng-puwede niyang turuan ng Japanese words ang kanyang former classmate na beauty queen.

Tweet ni Joey tinawanan lang ni Anne

Nag-react pala si Anne Curtis sa tweet ni Papa Joey de Leon na “Jezebel: ‘I can BUY you!’ Jellyfish: ‘I can BITE you!’ Get well soon Anne!”

In fairness sa aktres, natawa siya sa funny tweet ni Papa Joey as in hindi siya naimbiyerna o nairita. Sinagot niya ang tweet ni Papa Joey na isang pruweba na hindi siya naimbudo sa tweet.

At least, positive ang attitude ni Anne sa mga pang-iintriga sa kanya. Hindi siya nagpapaapekto kahit overacting at wala na sa lugar ang mga pagbatikos sa kanya.

“Get well soon” ang message na ipinarating kahapon ni Papa Joey kay Anne. Kung tama ang pagkakaintindi ko, magaling na si Anne at na-discharge na siya mula sa ospital pagkatapos kagatin ng malditang box jellyfish.

Jamich nakaka-inspire

Ang taas ng rating kahapon ng exclusive interview ng Startalk sa young lovers na tinatawag na JaMich, ang YouTube sensation na sinusubaybayan ang kuwento ng kanilang pagmamahalan.

May Stage 4 lung cancer si Jam Sebastian at kahapon ay marami ang napaluha sa live guesting nila sa Startalk ng kanyang girlfriend na si Michelle Liggayu. Affected na affected ang televiewers sa malungkot pero inspiring story nina Jam at Mich. Marami ang nalungkot dahil napansin nila na medyo hirap sa pagsasalita si Jam na hindi nawawalan ng hope at naniniwala na gagaling siya sa tulong ng mga doktor, dasal, at ni Lord.

 

vuukle comment

AILA

ANNE CURTIS

KANYANG

PAPA JOEY

SAM

SIYA

STARTALK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with