Mga bagets ng Kapuso nagkawanggawa
MANILA, Philippines - Walang kapaguran and dalawang GMA child stars na sina Mona Louise Rey at Miggs Cuaderno noong maging espesyal na panauhin ni Jaen, Nueva Ecija Mayor Santi Austria. Nag-motorcade ang dalawa kasama ng iba pang kalahok sa naturang parade na ginanap sa San Vicente, Jaen, Nueva Ecija.
Nakasama nina Miggs at Mona sa paglilibot upang makita ang pinsala ng bagyo noon, na naging kapangalan pa ng town mayor, at iba pang opisyal ng lugar.
Nakita ng dalawang artista ang mga nakatumba pang malalaking puno ng mangga at ibang produkto ng Nueva Ecija na pininsala ng nagdaang bagyong Santi. Maraming bata ang napaligaya ng dalawang GMA kids. Pinatunayan ng mga ina ng dalawang bata, sina Judy Chua at Al Alawi, na basta makakapagpasaya sa kapwa bata ay walang problema at, sabi nga nila, hindi naman lahat ay sa pera tumatakbo ang isip ng tao. Mahalaga pa rin iyong makatulong sa kapwa kasi malaking merito ito sa Diyos.
Magkakasama sina Mona at Miggs sa darating na teleseryeng Asintado sa GMA 7, tampok si Aiko Melendez. May gagawin din silang isa pang TV show, ang BFF, na pang-bata talaga.
Kaya siguro blessed sina Miggs at Mona Louise. Mapapanood din si Mona Louise sa isang Lenten special kasama si Marian Rivera na kukunan sa may Hospicio de San Jose sa Manila. Si Miggs naman ay kasama si Ms. Susan Roces para sa isang palabas na pang-Holy Week din.
Joyce may bago ng tipong lalaki
Sa April 9 na ang showing ng indie film na Dota starring Joyce Ching at
James Matthew. Pang-bagets din ang naturang movie na may moral lesson.
Kuwento sa amin ng producer na Ms. Marivic Guyugan, ayaw naman daw nÂiyang makapag-produce lang o kahit anong tema ay gagawin para maipalabas lang.
Usung-uso pala sa mga bagets ngayon ang Dota, tsika sa amin ng sales manager na si Vic Martinez nang malaman niyang hindi kami aware sa video games. Pero may kilig factor din daw ang pelikula kaya’t magugustuhan ng mga makakapanood.
Si James na kaya ang bagong type ni Joyce?
Personal…
Welcome home sa balikbayang galing New York, USA na si Vitaliana Inductivo Salvador, taga-Milflora sa San Rafael, Bulacan at kay Elizabeth Rosal, galing naman ng Toronto, Canada na taga-Baliuag, Bulacan. Damang-dama daw sa Pilipinas ang kahalagahan ng Mahal na Araw ’di tulad sa ibang bansa.
Maligayang kaarawan naman kay Dalisay Daleng Almazar ng Maginao, San Ildefonso, Bulacan at kay Julieann Betita ng Magallanes Hotel, Tagaytay City.
- Latest