^

Pang Movies

Beteranang aktres hindi nagbunga ang pagiging loyal sa isang network, P5k pa rin ang TF

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

May sama ng loob sa isang TV network ang isang veteran actress dahil hindi na raw tumaas ang kanyang talent fee simula noong lumabas siya sa mga teleserye.

Noong early 2000 pa raw gumagawa ng teleserye ang veteran actress sa naturang network. Kung tutuusin ay naging loyal na siya sa naturang network dahil kapag kinukuha siya noon ng kalaban nito, tumatanggi siya dahil sa loyalty niya.

Pero pinagtataka ni veteran actress kung bakit hindi man lang tumaas ang kanyang talent fee simula noong nagtrabaho siya rito.

Nagsimula raw siya sa P5,000 na talent fee noong 2001 pa. Okey lang daw ang TF na yon 13 years ago. Inaasahan daw ni veteran actress na tumaas man lang dahil naging loyal naman daw siya sa network.

Okey na raw na gawin nilang P10,000 dahil sa taas na rin ng mga bilihin ngayon at sa mga bayarin sa bahay.

Pero nitong huling teleserye na ginawa niya ay nakapako na sa P5,000 ang TF niya.

Kinukuha siya ulit para sa bagong teleserye pero ang TF niya ay ganun pa rin. Nag-request siya kung puwedeng taasan naman na nila dahil TF niya ‘yan 13 years ago pa.

Sinagot siya ng talent coordinator na gagawa ito ng paraan pero hindi siya nangangako na may mangyayari agad sa gusto niyang increase ng TF. Dalawa lang naman ang puwedeng mangyari, either pumayag na itaas ang TF niya o palitan na ng iba si veteran actress na papayag sa P5,000 na TF.

Pinag-iisipan na raw ng veteran actress na tumigil na sa pag-arte dahil gusto na raw siyang kunin ng kanyang anak para tumira sa ibang bansa.

Naaawa raw ang anak nito sa kanya dahil alam niya kung magkano lang ang ibinabayad sa kanyang ina pero sagad naman ito sa pagpuyat sa set.

Hindi na tama ang trabahong ito sa edad ng veteran actress. Hindi bale sana kung worth it sa pagpuyat nito ang TF kaya pinapatigil na si veteran actress ng kanyang anak at kukunin na siya nito.

Naghihintay na lang daw si veteran actress ng sagot mula sa talent coordinator tungkol sa kanyang request na taasan ang TF niya. Kung hindi nga raw pumayag at iba na lang ang kukunin, doon na magdesisyon si veteran actress na tumigil na at sumama sa kanyang anak sa ibang bansa.

Ayaw nang tawaging taong-gubat, Kiko Rustia itinago na sa kahon ang pinutol na dreadlocks

Pinagupit na ng Survivor Philippines Season One castaway na si Kiko Rustia ang kanyang pamosong dreadlocks.

Noong pagpasok ng 2014 ay ipinaputol na niya ang buhok at itinago sa isang kahon ang dreadlocks. New look nga raw siya sa taong ito dahil sa mga papasukin niyang bago sa kanyang career.

“Ayoko na kasing tawagin nila akong taong-gubat,” sabay tawa niya.

“For so many years, iyon ang buhok ko and I feel na it’s time to cut it off because I’m venturing into new things sa career ko. I want people to take me seriously now kaya isang rason din iyon. But I am still the same Kiko Rustia na nakilala nila,” say niya.

Si Kiko nga ang host and producer ng bagong travel and culture-documentary show na Dis is Pinas sa GMA News TV. Hindi pangkaraniwang travel show ito dahil may kinalaman sa history at may ilan pang trivia ang show.

Sa April 5 na ito magsisimula at ang unang episode ni Kiko ay ang tungkol sa probinsiya nila sa Vigan, Ilocos Sur.

 

vuukle comment

ACTRESS

BUT I

DAHIL

KANYANG

KIKO RUSTIA

NIYA

RAW

SIYA

VETERAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with