^

Pang Movies

Anne kumakanta kahit tumatakbo!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Baliw-baliwan na rin si Anne Curtis sa presscon pa lamang niya ng coming concert niya sa Smart Araneta Colieum sa May 16, ang The Forbidden Concert: Annekapal, held at the Columbus Room ng Discovery Suites in Ortigas Center, Pasig City. Ano raw ang ie-expect ng audience sa second major concert niya after ng successful concert niya noon na Annebisyosa?

“I know that the audience will not watch because of my voice but because of the stunts na gagawin ko, ang mga outfit na isusuot ko,” nagtatawang sagot ni Anne. â€œKaya iyon ang ibibigay namin sa kanila, ’yung makikita nila akong halos malaglag sa stage, magha-harness, ayaw ng audience ko na seryoso ako kaya pinaghahandaan namin iyon ni Direk Marvin Querido at ng production staff.” 

Kung noong araw daw, bigyan lang si Anne ng microphone at gitara ay kakanta na siya kahit sintunado.

“Pero ngayon nag-improve na ako. Promise ko ’yan sa inyo. At may bago akong gagawin, kakanta ako ng mga opera song dahil nag-aral ako ng operatic singing kahit ako tumatakbo kumakanta ako.  I love classic music and watching stage plays. I’ll sing songs from the Phantom of the Opera. I believe na bagay ang boses ko sa mga opera,” sabi ng TV host-actress.

Nag-sample pa si Anne ng ilang lines ng mga operatic aria na kakantahin niya at tama siya dahil kaya nga ng boses niya ang opera songs. Kakantahin din niya ang Let It Go at ilang songs ng grupong Aegis. Sino ang mga guest niya sa concert?

“Mga legit singer ang guests ko.  May isa nga na tinanong ko kung ano ang gusto niyang kantahin namin, sagot niya, kahit ano puwede naming kantahin. First time ko siyang makakasama. No, hindi si Lea Salonga, basta, magugustuhan ninyo kung sino ang special guest ko,” sabi ni Anne.

“Kinu-convince ko sana si Erwan (Heussaff, her boyfriend) na mag-duet kami pero ayaw niya. Maganda ang singing voice niya, ’di ba may album na rin ang sister niyang si Solenn? Pero naiintindihan ko naman kung ayaw niya.”

Soon, magri-record si Anne ng second album niya na siya ang magpu-produce. Ang concert niya ay co-producer naman ang kanyang Annebisyosa Productions, Inc. with Viva Live, sa direksiyon ni Georcelle Dapat-Sy at si Marvin Querido ang musical director. 

I-check na lang ang Ticketnet outlets sa online, www.ticketnet.com.ph, o tumawag sa 911-5555 ng Tickenet o sa Viva Concerts sa 687-7236. 

Bukod sa paghahanda sa concert niya, busy pa si Anne sa taping ng Dyesebel for ABS-CBN. May 12 shooting days pa siya ng movie niyang The Gifted for Viva Films with Cristine Reyes at muli silang magtatambal ng former boyfriend niyang si Sam Milby. Pahinga muna sila sa shooting dahil nag-attend ng film festival ang director nilang si Chris Martinez sa Barcelona, Spain.

Ngayon pa lamang naka-block off na ang mga schedule niya para sa provincial and worldwide concert ng The Forbidden Concert: AnneKapal.

 

vuukle comment

ANNE

ANNE CURTIS

ANNEBISYOSA PRODUCTIONS

CHRIS MARTINEZ

COLUMBUS ROOM

CONCERT

FORBIDDEN CONCERT

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with