^

Pang Movies

Andi ipinagpalit na sa model ni Jake?!

MASA...RAP - Ernie Pecho - Pang-masa

Habang umaasenso ang modeling career ni Jake Ejercito, higit na napapaayaw siya kay Andi Eigenmann. Kaya ang mga taong malapit sa pop celebrity, alam na hindi kailangan ng anak nina former President Joseph Estrada at Laarni Enriquez na bawalan ng kanyang parents si Jake na ituloy ang relasyon sa aktres.

Kalat sa mga pictorial ni Jake ang mga kasamang magaganda at sosyal na young ladies. Imposibleng hindi maakit ang poging pabling. Kung merong nali-link na young model with him, natural lang at hindi kataka-taka.

Sarah hindi ka-level ni Matteo sa pag-e-endorse ng relos

Iniintriga si Sarah Geronimo ng kanyang mga detractor na hindi raw puwedeng Swatch ambassador. Samantalang ang kanyang rumored boyfriend na si Matteo Guidicelli ay bagay na bagay sa kanyang bagong endorsement.

Patutsada ng fans from other camps, class beauty ang gustong model ng swatch ni Virgie Ramos. Type ng kumpanya ang mula sa mayamang angkan at galing sa exclusive school. Kahit sikat na singer dapat ding nakapag-Broadway o nagtanghal sa ibang bansa, tulad ni Lea Salonga.

Ang buwelta naman ng mga maka-Sarah G., baka hindi ma-afford ng Swatch ang hinihinging talent fee ng idolo ng masang Pop Princess.

Paboritong kandidata sa Bb. Pilipinas 2014 isa-isa nang ipinupuwesto

Sa pagsubaybay ng mga mahihilig na beauty pageants in the Bb. Pilipinas 2014, may mga listahan sila ng mga candidate na winners from other contests na maaring magwagi ng titulo.

Una na ang Mutya ng Pilipinas runner-up na si Emma  Tiglao. Posibleng pambato ang Pinoy beauty sa Miss  Universe o Miss Supranational. Baka masungkit natin ang titulo from Poland ng two consecutive years!

Ang 2013 Miss Philippines Air na si Kimverlyn Suisa ay puwedeng maipadala sa Miss International o Miss Tourism International.

Mag-abang tayo sa linggo ng gabi kung kabilang na sila sa kokoronahan.

Mioty Yonting nakaka-entertain na, nakakabigay pa ng cash sa mga manonood sa casino venue

Subukang manood ng Lucky Noon show every Saturday, 12 noon, sa Resorts World, hosted by Mitoy Yonting and Eric Nicolas.

Bukod sa world-class entertainment, puwede pa tayong manalo ng cash at ibang mga premyo sa mga game nila sa mga manonood ng palabas. Kahit mga rich natutuwa kapag nagwawagi sa mga weekly game sa Resorts World.

Pinoy na Oscar nominee cinematographer sa bagong pelikulang Noah

Ang Fil-Am Oscar nominee Matteo Lobatique, ang cinematographer sa epic film na Noah. Ito ang second collaboration niya with Director Darrel Aronofsky, after the well acclaimed Black Swan.

Bida sa Noah sina Russel Crowe, Jennifer Connelly, Emma Watson, at Anthony Hopkins.

Ang ama ni Matthew ay from Pangasinan, samantalang ang kanyang ina ay mula sa Quezon province.

Love team buking ng mga guwardiya sa village, madaling araw nang umuwi

Madaling-araw na ng ihatid sa kanilang bahay ang aktres ng kanyang boyfriend. Silang dalawa lang at walang chaperon!

Ang alibi, galing sila sa taping, na inabot ng umaga. Say naman ng mga sikyu sa subdivision, hindi ginamit ng dalawa ang kanilang usual service cars kaya hindi nila agad namalayan ang pagdating ng pareha.

Bakit ba ang mga jaguar sa village, lagi silang inaabangan? Gustong maka-scoop, sa halip na asikasuhin ang kanilang trabaho!

vuukle comment

ANDI EIGENMANN

ANG FIL-AM OSCAR

ANTHONY HOPKINS

BLACK SWAN

PILIPINAS

RESORTS WORLD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with