^

Pang Movies

Mader Ricky may summer tips para sa buhok

Pang-masa

MANILA, Philippines - Tag-init na at feel na natin ang unti-unting pagbabago ng klima. 

Ngayong Sabado, alas-nuwebe hanggang alas diyes ng umaga, sa GMA News TV show na Gandang Ricky Reyes Todo Na Toh (GRR TNT) ay mga bagay na may kaugnayan sa summer ang tatalakayin.

Unang-una’y ang isang second honeymoon ng bagong kasal na sina Ryan at Regine sa Golden Sunset Resort Inn and Spa na matatagpuan sa Barrio Uno, Calatagan, Batangas. Bukod sa pagbu-book sa kanila sa bridal suite, may harana pa sa veranda ng cottage na handog ng mga local na mang-aawit. Isang romantikong dinner by candle light pa ang pagsasaluhan nila. Bongga, ’di ba?

Para blow out sa mga nagtapos ay ipakikita ang family room na malaki ang mga silid at tamang-tama para sa isang family bonding.

Meron pang barkada room kung saan tila dormitory ang kapaligiran para sa bakasyonistang officemates, schoolmates, at friends.

Bukod sa apat na swimming pools, masarap mamasyal sa museum, butterfly farm, tent city, bicycle lane, at fishing at boating sa isang lawa. Huwag isnabin… apat na kainan ang maaaring pagpilian na iba-iba ang putaheng ipinagmamalaki sa halagang kaya ng inyong bulsa.

Kapag summer ay nabibilad sa matinding sikat ng araw ang ating buhok at balat. Sa Straight from the Expert segment ay bibigyan kayo ni Mader Ricky Reyes ng mga payo sa pangangalaga ng buhok. Basta usapang pang-kagandahan, Mader knows best.

Ang GRR TNT ay handog ng ScriptoVision.

vuukle comment

BARRIO UNO

BATANGAS

BONGGA

BUKOD

GANDANG RICKY REYES TODO NA TOH

GOLDEN SUNSET RESORT INN AND SPA

MADER RICKY REYES

NGAYONG SABADO

SA STRAIGHT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with