^

Pang Movies

Kamay ni Hesus naka-10 taon na

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

It was a blessed day for some entertainment press na nag-pilgrimage sa Kamay ni Hesus Hea­ling Church (KNHHC) in Lucban, Quezon last Sunday, March 23. Nag-join sina Ethel Ramos, Ve­ro­nica Samio, Letty Celi, Chit Ramos, Nitz Miralles, Lito Manago, Ricky Calderon, Bong de Leon, Obette Serrano, Roland Lerum, Jhay Oren­cia, Pilar Mateo, yours truly, TV5’s Peachy Guioguio, MJ Francisco, Francis Garcia, some members of the Oasis of Love Music Ministry na siyang nagparinig ng songs sa Holy Mass celebrated by Fr. Joey Faller.

Para sa mga first time na naka-join sa pilgrimage, ikinuwento ni Fr. Joey ang nakalipas na 10 years sa pagkabuo ng dream niya at ng kanyang mga supporter na maitayo ang healing church in 2002. Naunang itinayo ang grotto na may 310 steps on the left ascent and 278 on the right. Sa itaas nito ang Risen Christ na may 50 feet ang taas kaya kita na ito ng mga pilgrim malayo pa sila sa simbahan. Pangatlong tallest Risen Christ ito in the world, sa Sao Paolo, Brazil ay 100 ft. at sa Bolivia ay 60 ft. 

Sa ngayon, milyon na ang pilgrims na dumarayo roon at nung Holy Week 2013 ay umabot sa dala­wang milyong tao ang pumunta roon. Expected daw nina Fr. Joey na mas maraming darayo ngayon dahil tuluyan nang isinara sa mga namamanata ang Mt. Banahaw, after na magkaroon ito ng forest fire noong nakaraang linggo. Kaya para ma-accommodate ang lahat ng pupunta sa Holy Week, sa Holy Thursday at Good Friday, 48 hours na bukas ang simbahan. Humingi na raw sila ng 60 pulis to maintain peace and order.

After the Holy Mass ay nagkaroon ng healing session at pinagkalooban ni Fr. Joey, bilang pasa­salamat sa mga press, na kinilala niyang siyang unang dahilan kung bakit nakilala ang KNHHC, sa pamamagitan ng kanilang pagsusulat, ng replica ng Risen Christ, ng coffee table book, na nandoon ang first decade ng story ng pagkatayo ng hea­ling church. Laman din ng libro kung anu-ano ang makikita sa kabuuan ng five-hectare lot na nabuo sa simula sa pamamagitan ng three hundred thousand pesos personal money ni Fr. Joey at lumaki ito nang lumaki sa pamamagitan ng donasyon ng mga benefactor nila at mga pilgrim na dumarayo roon. 

Nasa pangangalaga na ito ng Diocese of Lucena at ginawa nang isang foundation at tagapamahala si Fr. Joey. 

To Fr. Joey and his staff, maraming salamat sa masarap na lunch, merienda, at pabaon na Lucban longganisa, broas, at hi­git sa lahat ang isang magandang experience sa araw na iyon.

Dingdong walong taon binuno ang college

Congratulations to GMA Primetime King Ding­dong Dantes na nag-graduate ng business admi­nistration major in marketing sa West Negros University last Sunday, March 23. Dumalo ang parents niya at ang girlfriend na si Marian Rivera sa commencement exercises.

Eight years pinaghirapan ni Dingdong ang kanyang pag-aaral para magkaroon ng college degree at pinatunayan niyang mahalaga sa isang tao ang education, ang natapos daw niya ay isang biyaya na hindi maaalis ng kahit sino sa kanya. Naniwala raw siya sa kasabihang, “kung gusto, maraming paraan, kung ayaw, maraming dahilan.” 

Dagdag pa niya, hindi raw sapat na alam mo lamang kung ano ang gusto mong gawin, kundi alamin mo kung paano mo ito magagawa nang maayos.

 

vuukle comment

AFTER THE HOLY MASS

CHIT RAMOS

DIOCESE OF LUCENA

ETHEL RAMOS

FRANCIS GARCIA

HOLY WEEK

RISEN CHRIST

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with