^

Pang Movies

Piolo tinalbugan si Liam Neeson

REBYUWER KIBITZER - Jhi D. Gopez - Pang-masa

Ang lakas pala talaga ng Starting Over Again. Meron pa rin sa isang sinehan ng malaking mall. Siguro halos lahat ng malalaking mall chains ay may isang nakalaan para sa blockbuster film nina Piolo Pascual at Toni Gonzaga. Ano kaya ang magic ng dalawa na hindi naman talaga magka-love team at hindi na bagets kung tutuusin?

Pero hindi nag-iisa ang Starting Over Again sa tumatagal pa sa sinehan dahil palabas pa rin ang Non-stop ni Liam Neeson. ‘Yun nga lang mas nahuli naman itong nag-showing kumpara sa Olivia Lamasan film na isang buwan na sa mga sinehan. At sa totoo lang ay mas entertaining pa ang Starting... kesa sa action film ni Liam na boring na ang kuwento ay hindi pa siya masyadong pinaarte.

Ang namumuro ngayon sa mga screening ay ang Divergent, isa na namang sci-fi film na hango sa best-selling novel ni Veronica Roth na ang production ay ang nasa likod ng Hunger Games kaya parang may pagkakatulad ang poster design nila at pati na mga costume.

At heto ang nakakagulat, pagandahan na talaga pati promotional display ng mga pelikulang ipinalalabas. Siyempre foreign films lang ang nakakagawa ng bongga dahil sa atin ang madalas na ginagamit lang ay movie poster at kung minsan ay TV set sa hallway ng cinema na nagpapakita ng paulit-ulit na trailer, tulad ng ginagawa ng Star Cinema para sa Starting Over Again.

Pero ang ginawa ng Divergent ay idinispley ang tatlong actual costume na ginamit ng kanilang mga artista na para bang may fashion exhibit. Kung bawat mall cinema ay may ganun, ilan kayang costume lahat ang dinala nila sa Pilipinas? At ganun din kaya pati sa ibang bansa na kasabay ng showing sa atin?

Angelina bruhilda sa bagong Disney movie

Palung-palo na rin sa promo ang paparating na Disney film ni Angelina Jolie, ang Maleficent. Ewan lang pero parang ngayon lang yata magkakaroon ng dark tale ang Disney. Fantasy-thriller nga ang tawag nila sa pelikula ni Robert Stromberg. Nakakatakot ang hitsura ni Angelina sa movie trailer pa lang!

At iyon ay hindi dahil naka-itim siyang suot o tinapangan ang kanyang makeup kung hindi dahil sobrang payat ng kanyang mukha. Hindi ko masi­gurado kung idinaan lang sa makeup ang pag-himpis ng mga pisngi niya na ang buto na ng cheekbones ang lumalabas o resulta iyon ng magaling na visual effects ng higanteng pelikula. Para kasing na-3D ang fez ni Angelina!

Pero mukhang nagpapayat din naman talaga siya para sa pelikulang iikot ang kuwento sa bruhang kontrabida ni Sleeping Beauty. Kung matatandaan pa kasi ay umakyat na noon ang aktres sa stage ng isang award-giving body na parang bulimic na ang katawan. Tinalbugan pa niya ang mga balikat at braso ni Kim Chiu.

Ang bagong hitsura ni Angelina ay dagdag nang dahilan para abangan ang bago niyang  pelikula. Unang-una na kasi ang kanyang ipinakitang kakaibang acting sa trailer. Uso na yata iyon sa Hollywood ngayon -- ang magpapayat para sa pelikula at umakting na pang-award.

o0o

May ipare-rebyu? E-mail: [email protected]

ANGELINA JOLIE

HUNGER GAMES

KIM CHIU

LANG

LIAM NEESON

OLIVIA LAMASAN

PERO

STARTING OVER AGAIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with