^

Pang Movies

Hollywood actor na si Jared maka-Pinoy

REBYUWER KIBITZER - Jhi D. Gopez - Pang-masa

Nakakabilib ang Hollywood actor na si Jared Leto nang manalong best supporting actor sa nakaraang Oscars. Eh kasi napagsasabay niya ang acting career niya sa pagba-banda. Hindi pa siya bumibitaw sa passion niya sa rock music at tuluy-tuloy ang tour ng banda niyang 30 Seconds to Mars.

Kung matatandaan, si Jared pa ang namuno sa pag-aalay ng isang minutong pananahimik sa MTV Europe Music Awards nung isang taon para sa mga biktima ng Typhoon Haiyan o Yolanda. Naging malapit siguro sa puso niya ang Pilipinas dahil sa concert nila noong 2011. Kahit pa sabihing hindi sila pumatok o gaanong kilala rito.

Alam n’yo bang pagkatapos pala ng Oscars ay naging busy na kinabukasan ang 30 Seconds to Mars kung saan si Jared ang singer at songwriter para naman tumungo sa Ukraine na magulo ngayon?

Siya lang yata sa Hollywood ang nag-iisang aktor na kinilala ang ga­ling sa aktingan (at sa Oscars pa!) pero aktibo pa rin sa banda. At hindi siya lumalabas na sell-out ha? Ang iba kasi nabibitiwan ang hilig sa rock music o kaya naman ay nakakapagba-banda nga pero wala namang acting award.

Ang napansin ko lang, lalo na sa ’Pinas, mas kaya ng musikero (partikular na ang rakista) na maging artista kesa ang artista na mag-musikero. Nagpi-“feeling” at TH lang kasi ang dating.

Fil-Canadian actor mahal ang OPM

Ang galing naman ni Mikey Bustos sa pagpapakita niya ng pagmamahal sa OPM (Original Pilipino Music) artists natin dahil araw-araw sa blogsite niya ay may nakalagay na OPM song.

Kung tutuusin ay mas nakilalang “aktor” ang Fil-Canadian singer dahil sa mga nakakatawa niyang interpretasyon ng kulturang Pinoy sa YouTube. Nagbigay-daan ito para siya maging isa sa mga komedyante ng Bubble Gang at nagkaroon pa ng TV commercial para sa isang snack brand.

Pero heto nga at may inilaan pala siyang blog para lang maipakita ang mga bagong kanta. Ang ilan pa sa singers ay halos hindi pa matunog sa music scene.

Nasa listahan ni Mikey ang Papansin, K.A. Antonio (Remix): Di Nila Alam, Bugoy na Koykoy; Almost is Never Enough, Sabrina featuring Myk Perez; Sa Panaginip, Rocksteddy; Do the Moves, Sarah Geronimo, apl.de.ap, Enrique Gil, at Elmo Magalona; Kislap, Kamikazee; Matira Matibay, Ives Presko; Pa­ ngarap, Lhipkram feat. Lesrahc; Lakas, Sevenes; Coming (To America), The Bar; If You Gave Me Your Love, David DiMuzio feat. Roadfill at Steven Silva; Nandito Lang, D-coy feat. Vince Alaras ng South Border; Anak (Aking Anak), Daddy’s Home Dito, Masaya! ng JKC Kids; Hustlin’ While You Sleep, Ives Presko: Ten, Samaria; Kamusta Kaibigan, Mocks Wun; Aksyon at Komedi, Bugoy na Koykoy; at MOB Love, 187 SG Mobstaz. O, ’di ba ang dami?

Ang problema, ang mga maliliit na artist ay hindi kayang maglabas ng buong album at nakukuntento na lang sa paisa-isang single o music video na ipinalalabas sa YouTube. Kung minsan hanggang doon na lang sila at hindi na nararating ang radyo.

Mabuti na lang at may Mikey Bustos na masipag mag-post ng bago o tipo niyang singer sa kanyang blog. Tamang-tama ito sa kampanya ng Organisasyon ng Pilipinong Mang-aawit na kamakailan lang ay umaaray na sa namamatay na industriya ng musika.

*  *  *

May ipare-rebyu? E-mail: [email protected]

AKING ANAK

BUBBLE GANG

BUGOY

DI NILA ALAM

DO THE MOVES

ELMO MAGALONA

IVES PRESKO

LANG

MIKEY BUSTOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with