^

Pang Movies

Direk Ruel nag-alala na magiging sakit ng ulo si Andrea

TSUPPATID - Letty Celi - Pang-masa

Nagpapaalam na ang isa sa mga pinakasikat at top rated TV show, ang Annaliza ng ABS-CBN. Apat na season o sampung buwan nang napapanood sa ating mga TV screen sa Primetime Bida ang serye. Napapanood sa buong linggo ang bidang si Andrea Brillantes na Star Awards for TV best child performer at Tween Princess na ng Kapamilya Network.

Ayon kay Direk Ruel Bayani, hindi dapat pabayaan ang batang bida dahil napakagaling na artista ni Andrea. Noong unang simulan daw kasi ni Direk Ruel ang shooting ng Annaliza, medyo kabado siya at feeling niya ay pasasakitin ni Andrea ang ulo niya. Pero pagkatapos ng two taping days, nawala ang nerbiyos ng direktor. Natuklasan niya ang husay umarte at magsalita ni Andrea.

Oo nga, ang galing nang kausap ng bagets na Grade 5 lang. ’Yung tipong may katuturan kapag sumagot sa mga tanong ng movie press. Makikita sa kilos at pagsasalita na hubog ang bagets ng isang edukadong pamilya.

Kaye crush na crush pa rin ng beki

Ang ganda-ganda ni Kaye Abad kahit heart­broken. Kaya pala hanggang ngayon ay crush pa rin siya ni Viceral.

Sino si Viceral? Si Vice Ganda po.

Noon daw kasi sa programang Tabing Ilog, inamin niyang tagahanga na si Vice ni Kaye. May mga nanunukso na puwede naman daw ligawan pa rin ng gay comedian si Kaye. May mga ilang katoto nga tayo na beki pero may asawa at mga anak na propesyonal pa. May kakayahan silang makabuntis!

Kung tutuusin kasi, si Vice Ganda ay pogi naman at matangkad pa. At siyempre matulis din!

Personal…

Our condolences sa Philippine Movie Press Club President Fernan Guzman sa pagkamatay ng kanyang eldest brother na si Ike Guzman na inihatid na sa kanyang huling hantungan sa Guimba, Nueva Ecija at sa pagyao rin ng bunso nilang kapatid na si Leora Guzman-Soleman na inilibing nung Martes ng hapon.

vuukle comment

ANDREA

ANDREA BRILLANTES

DIREK RUEL

DIREK RUEL BAYANI

IKE GUZMAN

KAPAMILYA NETWORK

KAYE ABAD

LEORA GUZMAN-SOLEMAN

NUEVA ECIJA

PHILIPPINE MOVIE PRESS CLUB PRESIDENT FERNAN GUZMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with