^

Pang Movies

Ruffa ayaw sa bobo!

- Vinia Vivar - Pang-masa

Aminado si Ruffa Gutierrez na as she gets older, mas nagiging picky daw siya sa kanyang magiging next boyfriend kaya nga raw siguro 2 years na ang nakakaraan since she had her last relationship and up to now ay wala pa rin daw bago.

Pero ang pasabog ni Ruffa, right now ay marami         siyang admirers and from all ages daw. From as young as 22 years old hanggang sa mga oldies na wala na raw buhok ang naa-attract ngayon sa kanya.

Pero say niya, too young naman daw ang 22 for her at ayaw din naman niya siyempre ng walang buhok.

Okay naman daw sa kanya ang younger men since ang ex-husband  niyang si Ylmaz Bektas ay 3 years younger than her.

 â€œYou know, age doesn’t matter as long as we have the same mind set. Kasi kung masyado namang bata, wala naman kayong pag-uusapan, hindi rin maganda ‘yun.

 â€œIn order to have a relationship, in all aspects, kailangan you get along. So, importante rin sa akin ang intelligence. So, kung wala naman siyang ibi-bring out sa table at wala naman  si­yang maituturo sa akin, hindi rin maganda ‘yun di ba?

“Kasi, aside from the fact na physical wears off, at the end of the day, you’re gonna be stuck with this person, kung wala na kayong pag-uusapan, eh mabo-bore lang ako sa kanya.

 â€œEh ako pa naman, I love challenges. So, siguro, pag 22, masyado namang bagets ‘yun. Yilmaz is 3 years younger than me. So, for me, it’s not about the age, it’s more of like the maturity level at kung kaya niyang makipagsabayan sa mga hilig ko.

 â€œKasi, we have to have the same lifestyle, we have to have the same likes, dislikes, that’s how you really get along with the person,” say ni Ruffa.

Pero ayaw din naman daw niyang i-limit sa age na 40-45 dahil ang mga ganyang age raw siyempre ay may mga asawa or anak na.

 â€œMinsan, mas marami silang baggage, mas marami pa silang arte. I have two kids but I’m the most not maarte person, ever,” say pa ng bagong Ambassador ng Cosmo Skin Whitening.

Bale pa, matangkad  din siya. Height doesn’t matter naman daw pero huwag naman daw ‘yung 5 feet lang ang height.

Right now, happy naman daw siya kahit wala siyang boyfriend. For one, busy siya ngayon sa kanyang mga projects. Naglalagare siya sa movie under Star Cinema kung saan ay kasama niya sina Coco Martin and Sarah Geronimo at ang reality show niya with her family, ang It Takes Gutz to be a Gutierrez.

May offer din daw siya for another movie at malamang ay tanggapin niya pero hindi pa raw niya pwedeng i-reveal kung anong klaseng pelikula at kung sino ang makakasama niya.

Patrick ‘pinatay’ kahit magaling

Sa farewell presscon ng Annaliza ay natanong ang Business Unit Head na si Direk Ruel S. Bayani kung bakit natsugi na ang karakter ni Patrick Garcia gayung importante pa naman ang karakter niya bilang biological father ni Annaliza played by Andrea Brillantes.

Natanong nga rin siya kung naging pasaway ba si Patrick kaya tsinugi na niya at ayon sa direktor, wala raw ganu’n.

“Hindi nagpasaway si Patrick. From storycon pa lang, alam na niya na mamamatay siya. Kasi, pag in-a­­nalyze mo, si Patrick lang ang karakter na ikaka-react ng lahat ng grupo ‘yung pagkamatay niya. Siya ‘yung nasa gitna, eh, ‘di ba?

“Alam na niya ‘yun. In fact, dapat November pa siya mamamatay, napahaba pa namin ng February. Natutuwa nga si Patrick na napahaba pa.

 â€œWala kaming kaproble-problema kay Patrick. Napakalayo du’n sa mga problematic days ni Patrick noon, alam na naman natin ‘yan,” he said.

Sa cast daw ng Annaliza ay naka-jackpot siya dahil wala raw siya talagang naging problema sa mga ito.

Magtatapos na ang Annaliza this week at ang papalit naman dito ay ang Mira Bella na launching fantaserye ni Julia Barretto opposite Enrique Gil and Sam Concepcion.

 

 

vuukle comment

ANNALIZA

DAW

KASI

KUNG

NAMAN

NIYA

SIYA

WALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with