^

Pang Movies

Pacman bet na bet manalo ni Bob Dylan

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Tuwing nag-eensayo ang Pambansang Kamao Manny “Pacman” Pacquiao sa pamosong Wild Card Gym, na matatagpuan sa Vine Street in Los A­ngeles, California, ay lagi s­iyang nakakatanggap ng kilalang international celebrities.

Nabisita na noon si Pacman ng mga Hollywood star tulad nina Mark Wahlberg, Denzel Washington, Paris Hilton, Jeremy Piven, Mario Lopez, at Jean Claude van Damme.

Ang latest na bumisita kay Pacman ay ang legendary music man na si Bob Dylan. Dati palang nagte-train din si Dylan bilang isang boxer at napadaan siya sa Wild Card Gym nang malaman niyang nandoon si Pacman.

Nasabi nga ni Dylan na isa siyang tagahanga ni Pacman at manonood siya ng laban nito sa April 12 sa MGM Grand Garden Arena in Las Vegas, Nevada sa laban nito kay WBO welterweight champion na si Timothy Bradley.

Galing na mismo kay Dylan, na nasa Rock ‘N Roll Hall of Fame, na ang bet niya ay si Pacman to win over Bradley.

Kapuso actors bawal nang magka-handler ng babae!

Dahil sa pag-amin ni Mark Herras na nabuntis at naanakan nito ang kanyang handler, naglabas daw ng memo ang GMA Artist Center na bawal na ang babaeng handler na ipasama sa mga lalaki nilang artista, lalo na kapag out-of-town shows. Para maiwasan na muling may mangyari sa tulad ng kaso ng actor-dancer.

Wala namang problema kay Mike Tan iyon dahil lalaki ang handler niya.

Pero sa ginawa nga raw na pag-amin ni Mark ay bumilib siya dahil kung ibang artista raw iyon ay baka itinago at nag-deny pa na merong anak.

“Kilala ko naman si Mark na may paninindigan na tao. Natuwa ako sa pag-amin niya. Hindi niya inisip ang sarili niya kundi ang naisip ay ang anak niya.

“Sabi nila ay blessing ang magkaroon ng anak, ’di ba? Kaya maganda ang ginawa niyang iyon dahil mas mamahalin siya ng maraming tao,” ngiti pa ni Mike.

Wala pa naman daw balak si Mike na magkaroon ng sarili niyang anak sa non-showbiz girlfriend dahil gusto niyang handa siya physically, mentally, at financially.

“Saka bata pa naman kami at marami pa kaming time para maghanda. Lalo na ako, matagal din akong nabakante sa trabaho at ngayon lang ako nagkaroon ulit. Kaya mag-ipon muna tayo para sa anumang plano natin sa buhay,” sabi ni Mike.

Kasama nga si Mike sa sirena-serye na Kambal Sirena kunsaan ka-love triangle siya nila Louise delos Reyes at Aljur Abrenica.

Halle Berry nagbabadyang mahiwalay uli sa ikatlong asawa

Mukhang totoong may problema sa samahan ngayon ng Hollywood actress at Oscar-winner na si Halle Berry at sa French actor na si Olivier Martinez. Kumalat ang balitang hiwalay na sila at sa magkaibang bahay na sila nakatira.

Nakitang walang suot na wedding ring si Halle sa post-Oscar party, samantalang si Olivier ay nakitang nagda-drive sa Los Angeles, California kamakailan at suot pa rin ang wedding ring. Balitang sinusuyo niya ulit ang estranged wife kaya ito nasa LA ngayon.

Ayon sa source ng TMZ, nagkaroon ng lamat sa pagsasama ang dalawa dahil sa kanilang hectic work schedule. Huling nakita ang dalawa na magkasama noong December 2013 pa.

Ikinasal ang dalawa sa France noong July 2013 at nanganak si Halle sa kanilang baby boy na si Maceo noong October 2013.

Kung tuluyan ngang maghihiwalay na sina Halle at Olivier, ito na ang ikatlong beses na madi-divorce ang aktres.

 

vuukle comment

ALJUR ABRENICA

ARTIST CENTER

BOB DYLAN

DENZEL WASHINGTON

DYLAN

GRAND GARDEN ARENA

HALLE BERRY

PACMAN

WILD CARD GYM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with