^

Pang Movies

Ruffa tinambakan ng qualifications ang susunod na bf

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Nag-Google nga agad ang entertainment press nang sabihin ni Ruffa Gutierrez, sa grand launch sa kanya as the new celebrity endorser ng Cosmo Skin ng Bargn Farmaceutical Philippines Co (BFPC), na hindi na raw niya alam how old na siya.

Sa passport na raw lamang niya nalalaman ang age niya. Very regal kasi si Ruffa nang pumasok sa ballroom ng Luxent Hotel na parang lumulutang ang beauty niya at kapansin-pansin ang makinis niyang skin from head to toe. Kaya nga kung anuman ang na-Google na age ngayon ni Ruffa, hindi ito kita dahil nagmukha siyang bata, pumuti lalo, at naging flawless ang skin dahil sa iniinom niyang Cosmo Skin capsules twice a day, in the morning at before she goes to bed in the evening. 

Inamin ni Ruffa na bago pa ini-offer sa kanya to endorse Cosmo Skin, ginagamit na raw niya ito dahil ibinigay sa kanya ng isa niyang friend. Kaya nang i-offer sa kanya ang product, hindi na siya nagdalawang-isip tanggapin dahil one week pa lamang siyang gumagamit nito ay nakita na niya ang improvement sa kanyang skin, nawala ang dark spots at talagang pumuti na siya. 

Biniro tuloy si Ruffa kung dahil sa new look niya, nadagdagan ba ang mga suitor niya.

“Ay, marami!” nagtatawang sagot ni Ruffa. â€œKung dati, ten sila, ngayon fifteen na. Pero picky na rin ako ngayon, hindi naman puwede na malaki ang age gap na­min, kahit pa sabihin na age doesn’t matter, pero sana hindi naman masyadong bata dahil baka hindi na niya kayang sabayan ang likes ko.”

Nabanggit din ng beauty queen-actress na kailangan ay maging dignified din ang lalaki like his father (Eddie Gutierrez) at dapat mas matangkad. 

“Hindi naman ako santa, wala man akong boy­friend ngayon, nakikipag-date rin naman ako. Kung magkakaroon man ako ng partner in life, gusto ko maabilidad siya at kaya niya kaming buhayin dahil may dalawa akong anak, sina Lorin at Venice.  Mahirap naman kung ako pa ang bubuhay sa kanya.”

Nasa Asian cruise ang Gutierrez family at pupunta sila ng Kuala Lumpur, Singapore, Penang in Malaysia at Malacca para sa kanilang reality show na It Takes Gutz to be a Gutierrez na ipalalabas sa E! international channel soon. 

Suggestion daw kay Ruffa na sa season two ng reality show nila, mag-taping naman sila sa Turkey, particularly sa Istanbul, ang bayan ng former husband niyang si Ylmaz Bektas. 

“Hindi kami masyadong nagkakausap ni Ylmaz lately pero matagal na niya kaming iniimbita na bumisita sa Istanbul dahil matagal na rin niyang hindi nakikita sina Lorin at Venice. Gusto rin daw makita ang mga bata ng mga relative niya roon.  As long as I will be safe there, and Ylmaz will approve, puwede naman kaming pumunta roon. 

“Ang mga anak ko, may memories pa rin naman sila ng Istanbul. Lorin was three years old when we left Istanbul, Venice was two and a half years old then pero ipinakikita ko sa kanya ang mga picture namin noon with their dad. 

“He’s okay with the kids naman. No problem sa akin if he will not make the effort. Kaya ko namang buhayin ang mga anak ko, salamat sa new inspiration ko, ang Cosmo Skin, dahil tinulungan nila akong magpa-aral ng mga anak ko,” pahayag ni Ruffa.

vuukle comment

COSMO SKIN

DAHIL

KAYA

LORIN

NAMAN

NIYA

RUFFA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with