^

Pang Movies

Maganda at mahusay na aktres nagpi-PDA sa bar sa kapwa babae!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Tanong sa amin ng isang beki friend kung tomboy ba ang isang maganda at mahusay na actress? Nakita raw niya minsan nang gumimik sila ng friends niya sa The Fort, Taguig City ang actress na may ka-PDA (public display of affection) na babae rin sa isang bar doon. 

Noong una raw ay parang hindi siya makapaniwala dahil napapanood naman niya ang actress na babaeng-babae ang mga ginagampanang role at hindi niya inisip na tomboy ito. First time ng aming friend na pumunta sa said bar pero dahil hindi raw pinapansin ang ginagawa ng maganda at mahusay na actress, inisip na lamang niyang madalas ito siguro roon kaya wala nang pakialam sa kanya ang mga customer doon. 

TV exec na tinengga tuluyan nang nag-resign, mga trabaho nakabitin kasing lahat

Natuluyan na palang mag-resign ang TV production executive ng isang network. Napabalita na noon na nag-resign na siya pero pinigilan ng isang top exe­cutive. Pero, this time, pinayagan na raw siyang umalis siguro dahil ang mga show na dapat ay hahawakan niya ay naka-hold lahat at hindi muna itutuloy ang taping. Nakausap namin siya at ano nga naman ang gagawin niya, kung hindi siya sure na magkakatrabaho agad, kundi ang mag-resign? 

Pero magpapahinga raw muna siya bago lumipat ng ibang network. Na-stress ba siya masyado kaya magpapahinga muna siya?

Regine excited makita ang fans sa Davao

Mapupuno ng mga Kapuso star ang tinaguriang Crown Jewel of Minda­nao dahil tatlong araw ang celebration ng Araw ng Dabao sa pangunguna nina Dingdong Dantes, Marian Rivera, Dennis Trillo, at Regine Velasquez-Alcasid. Bukas, March 14, magsisimula ang show at 3:00 p.m. sa Gaisano Mall of Toril with Jennylyn Mercado, Yasmien Kurdi, at Ervic Vijandre for their soap Rhodora X. Si Dingdong naman ang mangunguna sa Kapuso Fans Day at 5:00 p.m. sa Gaisano Mall of Davao pagkatapos niyang bumisita sa Zonta Ele­mentary School sa Isla Verde, Sta. Ana District para sa isang outreach activity ng kanyang Yes Pinoy Foundation sa mga student doon.

Excited dahil first time ni Asia’s Songbird na magkaroon ng Fans Day on Saturday, March 15, sa Activity Area ng Abreeza Mall, Davao, at 4:00 p.m.

vuukle comment

ABREEZA MALL

ACTIVITY AREA

ANA DISTRICT

CROWN JEWEL OF MINDA

DAVAO

DENNIS TRILLO

DINGDONG DANTES

ERVIC VIJANDRE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with