^

Pang Movies

Misis laging iwan sa bahay Mister at mga anak bitbit lagi ng rich beki sa shopping at pamamasyal sa abroad!

MASA...RAP - Ernie Pecho - Pang-masa

Higit na naging malapit sa beking kabit ng kanyang mister ang kanilang mga anak ng mister. Palagi kasing ang rich bading ang kasamang nagsa-shopping ng mga bata at binibili ng donyang kafatid ang lahat ng kapritso ng mga tsikiting.

Maging sa pamamasyal sa abroad o panonood ng mga imported show sa ating bansa, ang aktor at ang baklesh ang ka-join ng mga bagets. Naiiwan lang sa bahay ang tunay na nanay!

Say ng friends ng aktres, malapit nang magsiklab si misis at iiwan na niya ang kanyang pamilya upang sa States na tumira!

Luis at Angel lumalabas ang lambot kapag magkasama

Ang sabi ni Luis Manzano, kaya sila compatible ni Angel Locsin kasi pareho silang matapang. Kapag magkasama sila, lumalabas ang kanilang mga tender side.

Gusto ni Manzano na palagi silang naka-holding hands o magkadikit ang kahit isang bahagi ng kanilang katawan. Higit na nagiging malambing sila sa isa’t isa. Mukhang hindi na magkakahiwalay at ginamitan ng epoxy.

Tom tatayong best man sa kasal ni Aiza sa US

Baka kayo maghinala, intindihin na close friends nina Aiza Seguerra at Liza Diño si Tom Rodriguez kaya siya pumayag na maging best man sa kasal ng magtiboli sa January 2015 in the States.

Dahil malayo ang venue at isa lang ito sa mga place sa USA na puwede ang same sex marriage.

Malaki ang gastos kapag naging entourage sa formal ceremony. Si Tom naman, pumayag agad dahil sa friendship niya sa dalawa. Hindi dahil sa siya ay member ng LGBT community!

Aba, meron na agad daughter sina Aiza at Liza after the wedding, ang daughter ng girl na aariing tunay na anak ng singer/actress.

Mahal maligaya na sa dyowa kahit hindi matikman

Kahit sabihin pang bading ang kanyang boyfriend, hindi mahalaga kay Mahal. Basta’t may matawag siyang love at palaging may kasama, masaya na ang showbiz character.

Kahit kasi pilitin hindi naman puwedeng makipag-sex si Mahal. Baka ikamatay pa niya. Maligaya na siya sa holding hands, titigan, at pagsasabay kumain. Kaya kahit na menchu, hindi naman niya matitikman!

Blues Festival ng Davao tuloy kahit walang mag-sponsor

Matutuloy ang unang Blues Festival sa Davao City on March 14, kahit wala silang sponsor. Lahat kasi ng mga artist na tutugtog sa musical event ay pumayag ng walang bayad ang kanilang participation.

Kahit mga big name tulad ng Tropical Depression (reggae band ng yumaong si Papa Dom) ay walang tatanggaping talent fee!

Mark inuna ang kapakanan ng anak kesa sa feelings ni Ynna

Si Mark Herras mismo ang nagsabing walang nanakot o pumilit sa kanya na naanakan niya ang kanyang handler.

“Mahirap na kasing itago,” paliwanag ni Mark. “Dapat aminin o angkinin ko na ang aking anak para maging maayos naman ang paglaki ng bata.”

Siyempre hindi na rin inintindi ni Mark kung masasaktan man ang kanyang former girlfriend na si Ynna Asistio.

Daniel sure nang hindi pababayaan ng fans sa botohan

Sa tuwing ipinapalabas ang video na Na sa Iyo na ang Lahat ni Daniel Padilla ay nagkakagulo sa pagkanta at pagsasayaw ang aking mga pamangkin at apo sa bahay.

Well, kasaling muli sa Top 10 hits ang DJP second album ng teen idol dahil tuloy ang malakas na benta nito sa mga music outlet all over the country.

Kabilang din si Daniel sa mga strong contender as favorite male artist sa MYX Music Awards on March 26 to be broadcast live from Samsung Hall sa SM Aura Premier, Taguig City.

Sa popular vote magwawagi, kaya tiyak na hindi pababayaan si Daniel ng fans.

vuukle comment

AIZA

AIZA SEGUERRA

ANGEL LOCSIN

AURA PREMIER

BLUES FESTIVAL

KAHIT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with