^

Pang Movies

Kris iiwan na ng inspirasyon?!

Jun Nardo - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Itinanggi ni Kris Aquino sa kanyang Instagram account na ang isang @imagarygracia ay boyfriend niya. Say niya, “But he’s a true friend!”

Aalis na pabalik ng Los Angeles, California si Gary Gracia kaya binigyan niya ng lunch ang lalaki. Rason ni Kris, “Dapat lang i-lunch ko siya to show my appreciation for his effort to receive all my online shopping & forward to me.”

Natuwa naman ang followers ni Kris sa pagli­linaw niya sa mga tanong kay Gary. Panay kasi ang lutang na inspired siya ngayon pero hindi niya sinasabi kung sino ang lalaking ’yon.

Eh sa interview kay James Yap, nabanggit niya ang pagiging glowing ni Kris. Natuwa naman siya dahil maligaya na ang nanay ng anak nilang si Bimby Yap, Jr.

 

Julia susunod sa nanay na ’di pa puwedeng mag-boyfriend

Nasa cast din sa fantaserye ng ABS-CBN si Sam Concepcion pero una munang hinarap sa press ang tambalan nina Julia Barretto at Enrique Gil. Nagkagulo nga sa fourth floor ng Fisher Mall sa Quezon City nang malaman ng tao na nandoon sila sa Play Land.

Napansin nga lang ni Eric John Salut ng Dreamscape Productions na dikit na dikit ang mukha ni Enrique kay Julia, huh!

Eh ano ba ang pisikal na features ni Enrique ang nakaka-attract kay Julia?

“Of course, the eyes. The eyes of Ken. Marami ka­sing sinasabi ang mata ni Ken kahit wala siyang sinasabi. Titingnan ka lang ikaw, marami nang sinasabi. Hahaha!” rason ni Julia.

Gusto rin niya ang galing sa pagsayaw ng kapareha.

“Oo naman! Idol ko ’yan eh! Sipsip! No. Of course, maga­ling si Ken,” sambit niya.

Sa panig naman naman ni Enrique, ang mga ngiti ni Julia tuwing dumarating sa set ang pumupukaw ng atensiyon niya.

“’Tapos ’yung dimples niya. ’Yun ang panalo!” sagot ni Enrique.

Eh ano naman ang masasabi ni Julia na sa edad niyang 17 years old ay hindi pa siyang puwedeng mag-boyfriend?

“Ahhh, tama lang naman ’yon siguro. I am seventeen only right now. I wanna have Mira Bella. But it will come eh. First time ko to enjoy right now,” saad ng teener.

Nasuklian ba ang paghihintay niya nang hindi matuloy ang launching niyang Cofradia?

“Nung na-cancel ’yung Cofradia nalungkot ako then. Pero siguro I didn’t lose hope. But thankful ako sa Dreamscape, kay Sir Deo (Endrinal), they could have just…’di ba? Sana hindi ako binigyan ng project pero they considered an original story. It’s Mira Bella. Siguro I am thankful and worth it naman ang paghihintay,” paliwanag ni Julia.

“Para sa akin talaga, bagay talaga ’yung Mira Bella. Everything happens for a reason. Pero ’yung sinabi ni Miss Marjorie (Barretto), sabi ko lang, opo. Susundin ko naman siyempre!” sagot naman ni Enrique.

 

Vic at Pauleen tinutukso sa harap ni Oyo!

Babalandra na ngayong Sabado si Pauleen Luna sa sitcom ng boyfriend na si Vic Sotto, ang Vampire ang Daddy Ko. Although si Jaclyn Jose talaga ang kasali sa cast, pagdating ng transformation niya na bata, si Pauleen ang lalabas as veteran actress.

Siyempre, puno ng tuksuhan ang nangyari sa taping ni Poleng. Eh nandoon din ang anak ni Vic na si Oyo Sotto pero wala namang tensiyong nangyari sa dalawa.

Memorable ang guesting ni Pauleen sa sitcom na gagamit ng mahika upang maakit ang character ni Vic eh alam naman na­ting hindi na kailangan ng EB Dabarkads upang magkagusto sa kanya si Bossing, huh!

 

vuukle comment

BIMBY YAP

COFRADIA

ENRIQUE

JULIA

MIRA BELLA

NAMAN

NIYA

PAULEEN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with