^

Pang Movies

Drew nilusob ang Batanes

Pang-masa

MANILA, Philippines - Sama na ngayong Biyernes sa special adventure ng Biyahe ni Drew dahil sa first anniversary episode ng ultimate budget travel show pupuntahan ang isa sa mga best travel destination sa bansa – ang Batanes.

Matatagpuan ang Batanes sa pinaka-norteng bahagi ng Pilipinas.  Dahil sa sobrang layo, medyo mahirap itong puntahan. Katunayan, hanggang ngayon, dalawa lang ang airlines na lumilipad papunta rito.

Pagdating na pagdating pa lang sa bayan ng Basco, Batanes,  mapapansin agad ng host na si Drew Arellano na mabagal at mapayapa ang takbo pamumuhay dito. Maging ang speed limit ng sasak­yan hanggang 20 kilometers per hour lang kaya naman kung gustong maglakad o mag-bisikleta, okay lang dahil halos walang polusyon sa probinsiya.

Papasukin ni Drew ang mga tradisyunal na bahay na bato ng mga Ivatan sa Ivana na sinasabing matatag laban sa mga bagyo.  Hindi rin makakaligtas kay Drew ang mga pagkaing tatak Batanes.  Titikman ni Drew ang mga fresh seafood tulad ng abong o local version ng tahong, yellow fin tuna, seaweed, lobster, at coconut crab.  Magsusuot rin si Drew ng vacul, ang tradisyunal na sumbrerong sinusuot ng mga Ivatan sa ilalim man ng init ng  araw o sa hagupit ng ulan.

Personal ding makikita ni Drew ang katapatan ng mga tao sa Batanes.  Sa Honesty Coffee Shop, hindi na kailangan ng tindero dahil puwedeng kumuha muna ng kailangan at mag-iwan na lang ng pambayad.  Sa katunayan, iniiwan lang ng karamihan ang mga bisikleta nila sa kahit saang lugar dahil kampante silang walang magnanakaw ng mga ito.

Para kay Drew, talaga namang espesyal ang biyaheng ito sa kanya.

“It’s amazing to think na one year na (ang) Biyahe ni Drew. First anniversary pa in Batanes which is in everyone’s bucket list… They have this notion na mahirap pumunta sa Batanes.  Schedule in advance. At least one year in advance.  (What’s the) best place in the Philippines? Bora… Palawan… Sagada… But after experiencing this majestic place, automatic top of mind, Batanes.”

Silipin ang ganda ng Batanes sa first anniversary special offering ng Biyahe ni Drew ngayong Biyernes, 8 p.m. sa GMA News TV.

 

BATANES

BIYAHE

BIYERNES

DREW

DREW ARELLANO

IVATAN

SA HONESTY COFFEE SHOP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with