Ellen Degeneres nakikipagkulitan habang nagho-host ng Oscars
MANILA, Philippines - Naalala namin si John Lapus habang pinanood ang hosting ni Ellen Degeneres sa Oscar Awards kahapon lalo na ’yung pagpapalit-palit niya ng damit, huh! Kakaiba kasi ang style ni Ellen na may moments sa audience na nakikipagkulitan sa mga malalaking artista bago i-introduce ang presentor.
May selfie moments pa si Ellen at matapos magpakain ng pizza pie, nag-pass the hat siya upang humingi ng datung!
Tinag nga kami ni Sweet sa Facebook tungkol sa hosting ni Ellen. Suki kasi siya ng grupo naÂming Entertainment Press Society tuwing ginaganap ang Golden Screen Awards (GSA). Talaga namang pasabog ang costume changes ng hitad!
Sa darating na GSA for TV sa March 21, willing uli si John na maging host ng awards night at tiyak na mas malaking pasabog ang gagawin niya upang mapantayan kung hindi man ay mataÂlÂbugan si Ellen. Hahaha!
Anyway, sa nasabing Oscars, ang best performance by an actor ang mainit na pinagpupustahan. Talo muli si Leonardo DiCaprio dahil si Matthew McConaughey ang winner ng tropeo para sa movie na Dallas Buyers Club!
Luis ipinangalandakan ang paGkikita nina Vilma at Angel
Ibinalandra ni Luis Manzano sa kanyang Instagram account ang picture ng ina na si Gov. Vilma Santos-Recto na kasama ang girlfriend na si Angel Locsin. Kumakain ng ice cream ang dalawang babae na pinakamalapit sa puso ni TV host-actor.
Siyempre pa, matapos kulitin sa pagbabalikan nila ni Angel, ang kasalan naman kay Angel ang tiyak kakalantariin kay Luis ng media, huh! Pero tiyak na malabong mangyari this year ’yon gaya nang pahayag ni Luis.
Artista nahilo sa writer-director na mabaho ang hininga, tinapos agad ang meeting
Nahilo ang isang artista sa baho ng hininga ng isang writer-director na kanyang nakausap upang tumulong sa movie na gagawin.
Feeling daw ng artista, may halitosis ang writer-director kaya ganoon ang amoy ng hininga. Nagtiis na lang daw ang artista dahil ayaw niyang mabastos ang tao.
Ang ginawa na lang ng artista, tinapos na agad ang meeting upang makalanghap ng maÂinam-inam na hangin, huh!
Kambal…lalangoy na
Una munang lalangoy si Louise delos Reyes bilang sirena bago kay Anne Curtis bilang Dyesebel. Sa March 10 ang balitang telecast ng GMA series bago ang Kapamilya teleserye. Kaya naman inaabangan ngayon kina Louise at Anne kung sino ang mas mabilis lumangoy sa pag-akyat sa ratings.
Kung ang Kambal Sirena ang nag-iisang pasabog ng Kapuso Network ngayong Marso, ang Dyesebel ay isa lang sa paandar ng Kapamilya ngayong buwan.
Bukod kasi sa Dyesebel na ilalabas sa March 17, next Monday ay ang Ikaw Lamang nina Coco Martin at Kim Chiu ang magsisimula. Sa March 24, ang launching series ni Julia Barretto na Mirabella ang huli nilang handog.
- Latest