^

Pang Movies

Magandang drama actress grabeng kumandong sa hunk actor

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Hindi na nakakagulat kung hirangin na bagong Kandong Queen ang magandang drama actress dahil sa hilig nitong kumandong sa nababalitang boyfriend niya na hunk drama actor.

Pero na-shock pa sa umpisa ang ilang nakakita sa drama actress nang bigla itong kumandong sa hunk drama actor. Para raw hindi sila nahihiya kahit na may nakakakita sa ginagawa nilang lambingan. Bukod sa pagkandong ay hinalikan pa raw ni drama actress si hunk drama actor sa lips na lalong ikinaloka ng mga nakakita sa kanila.

“Okay lang naman na gawin nila iyon pero huwag naman sa may mga nakakakita sa kanila kasi parang nakakaasiwa ang PDA (public display of affection) nila,” tsika sa amin ng isang source.

“Imposibleng hindi namin sila mapansin dahil hindi naman kalakihan ang dressing room na kinalalagyan namin. Iilan lang kami roon ’tapos gagawin nila ang gano’n. Ano ang feeling nila? Hindi namin sila mapapansin? ’Tapos super deny sila sa relasyon nila? Batukan ko kaya sila?”

Pakiramdam nga ng aming kausap ay mas patay na patay ang drama actress sa hunk drama actor. Iba kasi ang dating ni hunk drama actor ngayon kaya lalong nanggigigil si drama actress sa kanya. Siyempre proud siya na matsismis siya sa guwapong hunk drama actor na kinababaliwan ng maraming babae’t bading.

“In fairness naman, bagay silang dalawa. Pero maghunos-dili naman sila sa ginagawa nila! Matuto naman sana sila sa nangyari sa mga kabataan na bigla na lang nagkakabuntisan. Sayang ang career nila kung papairalin nila ang pagiging mapusok nila.

 â€œTapos ang ending, magkakasiraan sila. Sino ang lugi? Siyempre si babae dahil bumigay siya agad, ’di ba? Kaya hinay-hinay lang naman sana,” pagtatapos pa ng aming source.

Jojo A. nag-aala Joey sa tatlong networks

Masuwerte ang TV host na si Jojo Alejar dahil may show siya sa tatlong TV networks. Nasa Got to Believe siya ng ABS-CBN, Medyo Late Night Show with Jojo A sa GMA 7 at Confessions of a Torpe sa TV5.

Say nga ni Jojo na malaking tulong ang may mga kaibigan siya sa tatlong TV networks kaya tuwing kailangan siya for a show ay napagbibigyan niya.

 â€œIt pays to have good friends sa business na ito. I’ve been in showbusiness for more than twenty eight years and marami na tayong naging mga kaibigan sa mga TV network.

“Malaking tulong para sa akin dahil apat ang anak ko. I am saving up for their future at nagpapasalamat ako sa mga trabahong dumarating sa atin parati,” diin pa ni Jojo.

 â€œSa pagkakaalam ko, si Joey de Leon lang ang nakakagawa ng ganito, ’yung makapagtrabaho sa lahat ng TV networks.

“Thankful ako na hindi nagkakaproblema sa schedules, kaya hindi ako nagiging cause of delay,” smile ng actor-TV host.

Fil-Am na si Malaya lumagpak sa Bottom 3 ng AI

Nakaligtas sa unang elimination ng American Idol (AI) Season 13 ang Filipino-American contestant na si Malaya Watson.

Pagkatapos ng kanilang unang week bilang mga official contestant, nag-land sa Bottom 3 si Malaya dahil sa hindi masyadong magandang performance sa awiting Runaway Baby ni Bruno Mars.

Ang naging comment sa kanya ng AI judge na si Harry Connick, Jr. ay “it went off the trails”. Samantalang sinabi naman ni Jennifer Lopez na “A+” ang pagpapakita nito ng effort sa performance. Si Keith Urban naman ay sinabing “contagious” ang energy ni Malaya pero kailangang maging mindful ito sa pagkanta parati.

Nakasama ni Malaya sa Bottom 3 ang Wildcard finalists na si Kristen O’Connor at ang openly lesbian na si MK Nobilette. Ang napauwi sa first week ay si Kristen na hindi maganda ang pagkakaawit sa Beautiful Disaster ni Kelly Clarkson.

Masuwerte si Malaya dahil nakakuha ito ng maraming boto na nagsalba sa kanya sa elimination. Kailangan niyang makabawi sa susunod na week at inaasahan ng mga AI judge na isang killer performance ang ipapakita niya para tumagal siya sa contest.

vuukle comment

ACTOR

DRAMA

JOJO A

NAMAN

NILA

SILA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with