^

Pang Movies

Hunk actor baklang-bakla kung mag-inat

FREE LANCER - Emy Abuan Bautista - Pang-masa

Pinag-uusapan ang tunay na kasarian ng hunk actor na ito. May nagsasabing silahista siya at bading din dahil sa kanyang lihim na ikinikilos.

One time ay nag-inat ito at may nakakita sa kanyang taga-showbiz din na kalahi yata niya. Nang ibaba ang dalawang kamay matapos mag-inat ay kumembot pa ito.

Wala pa rin itong sineseryosong aktres at laging ligaw tingin lang siya.

Lalaking-lalaki itong kumilos pero berde rin pala ang dugo, ayon sa aking source.

Girlfriend ni Edgar Allan na si Shaira May, paniwalang magtatagal sila

Ang ganda naman ni Shaira May dela Cruz na gumanap na anak ni Sharon Cuneta sa Madam Chairman. Siya ang kasalukuyang girlfriend ni Edgar Allan Guzman. Sumali ito sa Artista Academy at ’di man grand winner ay nasa Top 3 naman siya.

Nagsimula lang ang young actress sa paekstra-ekstra sa mga commercial. Nagpasya itong sumali sa Artista Aca­demy dahil bata pa ay pangarap nang mag-artista at paborito niya si Mark Herras.

Noong bata pa si Shaira ay nanalo na ito sa dance contest.

Nag-aral ito sa University of Perpetual Help at matapos manalo sa Artista Academy ay nabigyan nga agad ito ng first project sa Madam Chairman bilang anak ni Sharon.
“Pangarap ko talaga na makasama ang Megastar. Sobrang bait niya at ang sweet, sweet pa. Very generous din si Ate Shawie. Ibang klase talaga siya. Walang kaere-ere,” say ni Shaira.

One year na silang mag-on ni Edgar Allan at maganda naman ang kanilang relasyon, walang selosan, at may tiwala sa isa’t isa.

Anim na taon ang tanda sa kanya ni Edgar Allan pero dahil sa sobrang pagmamahal ay naniniwala silang magtatagumpay ang kanilang love life.

 

vuukle comment

ARTISTA ACA

ARTISTA ACADEMY

ATE SHAWIE

EDGAR ALLAN

EDGAR ALLAN GUZMAN

MADAM CHAIRMAN

MARK HERRAS

SHAIRA

SHAIRA MAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with