^

Pang Movies

Alyssa matagal iniyakan ang Startalk

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Nalungkot ang dating miyembro ng Viva Hot Babes na si Alyssa Alano nang tanggalin siya sa showbiz talkshow na Startalk kungsaan isa siya sa mga co-host.

Kinuwento ni Alyssa kung paano siya kinausap para masabi sa kanya na hindi na siya kasama sa paglipat ng show mula sa Saturday afternoon timeslot nito to Sunday afternoon.

“Kinausap naman ako ng maayos. Sinabi nila sa akin na magkakaroon daw ng changes sa Startalk at hindi na raw ako kasama sa paglipat ng show sa ibang araw at timeslot.

“Natural na nalungkot ako kasi eight years akong kabahagi ng Startalk.

“Lahat ng mga nangyari sa buhay ko ay sa Startalk nila napanood tulad nang makilala ko ang tunay kong ama at pati na ang kapatid ko. At noong maaksidente rin ako, sa Startalk nila lahat napanood ‘yan.

“Kaya ang hirap munang matanggap na wala na ako sa show. Nagulat sila Nanay Lolit (Solis) na wala na pala ako sa show.

“Iniyak ko rin ‘yan ng ilang araw. Kasi naging part na talaga ng buhay ko ang Startalk.

“Pero ngayon ay tanggap ko na at move on na tayo,” kuwento pa ni Alyssa.

Dahil sa wala pang kapalit na show si Alyssa, nakakapag-guest na ito sa ibang networks.

“Sabi naman nila na bibigyan naman ako ng ibang show. Pero siyempre habang wala silang naibibigay, naghanap kami ng manager ko ng trabaho sa ibang network.

“Hindi naman ako puwedeng umasa lang sa sinabi nilang iyon. Kaya heto nakapag-guest na ako sa ABS-CBN 2. Ilang beses na akong nakapanood doon.

“Tapos kasama ako rito sa show ng TV5 na Confessions of a Torpe. Nakakatuwa kasi nakasama ko ulit sila Kuya Ogie (Alcasid), Ate Gelli (de Belen), Kuya Jojo (Alejar), Kuya Bayani (Agbayani), at si Wendell (Ramos).

“First time ko naman makatrabaho si Ms. Alice Dixson. Ang ganda-ganda niya talaga. Na-starstruck ako noong makita ko siya sa personal!” ngiti pa ni Alyssa.

Sa personal na buhay nga ni Alyssa, sinabi nito na wala raw siyang boyfriend dahil mas gusto niya na walang maging sagabal sa trabaho niya. Inamin naman niyang meron siyang mga manliligaw.

“Meron namang mga suitors. Mga hindi taga-showbiz. Pero dedma muna ako sa love life kasi kailangan kong magtrabaho.

“Marami pa akong gustong maabot na mga pangarap kaya habang may work, trabaho lang tayo, ‘di ba?

“Nagpapasalamat nga ako na kahit na mas nakilala ako bilang Kapuso, na­ging bukas naman ang ibang networks sa pagbigay ng trabaho sa akin,” pagtatapos pa ni Alyssa Alano.

Nicki Minaj idinemanda dahil sa mga wigs

Nakademanda ang rapper and former American Idol judge na si Nicki Minaj for $30 million mula sa kanyang dating hairstylist na si Terrence Davidson sa pagnakaw daw nito ng kanyang wig designs.

Nakasama ni Minaj si Davidson noong 2010 at ito raw ang nag-design ng mga wigs nito para sa mga music videos na Super Bass at Pink Upper Bun.

Kilala si Davidson bilang stylist nila Patti LaBelle at Jennifer Hudson.

Nagkaroon na raw ng pag-uusap sila Davidson and Minaj tungkol sa isang joint business venture tungkol sa mga specially-designed wigs at magkakaroon pa sana ng isang reality TV show.

Pero bigla na lang daw hindi na isinama si Da­vidson sa napag-usapan nila ni Minaj noong 2012 at nalaman na lang niya na kinopya ni Minaj ang mga wigs niya at ibinibenta ito online na walang paalam sa kanya.

“Minaj took a number of his popular wig designs, without his consent, and used them to start her own wig line,” ayon pa sa sinampang lawsuit. Ito ay isang claim for the first-ever intellectual property dispute over wigs.

 

vuukle comment

AKO

ALYSSA

ALYSSA ALANO

MINAJ

NICKI MINAJ

PERO

SHOW

STARTALK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with