^

Pang Movies

Kim nahihiyang pumalpak ‘pag kaharap sila Coco

- Vinia Vivar - Pang-masa

Aminado si Kim Chiu na nape-pressure siya sa sobrang galing ng mga kasama niya sa Ikaw Lamang sa pangunguna na nga ng leading man niyang si Coco Martin.

Aside from Coco, nandiyan din ang magaga­ling na veteran stars na sina Cherry Pie Picache, Cherrie Gil, John Estrada, Angel Aquino, Ronnie Lazaro, among others. Also joining them in the cast are Julia Montes and Jake Cuenca.

 â€œLahat sila, award winners. Buti na lang, nakasungkit ako ng EducCircle (best actress) Award,” natatawang sabi ni Kim.

Wala raw siya talagang masabi sa sobrang husay ng kanyang co-stars.

 â€œâ€™Pag magre-rehearse, magte-take, sobra silang into character na 1970s. Kahit kung paano sila maglakad, kahit hindi pa nagte-take. So, parang ikaw, parang mahiya naman ako siguro, dapat ’pag tinawag ako, ‘ako si Isabelle, 1970s ‘to, Farrah Fawcet ’yung hair ko.’ Ganun,” saad ni Kim.

Dahil from ’60s up to present ang settings ng Ikaw Lamang, kinailangan talagang i-set up ng produksiyon ang mga sinaunang period at, say ni Kim, talagang na-excite siya sa ’70s era.

 â€œKasi ang gaganda ng mga damit, ang gaganda ng accessories, ng hairstyles. From head to toe, as in sobrang 1970s, pati ’yung props, pati ’yung bahay, plato, lahat, ’70s talaga,” sabi  ni Kim.

We learned na nag-hire pa talaga ang Dreamscape Productions ng magaling na hair and make-up artist para sa serye, si Ruben Nazarette na naka-base na sa Palawan pero talagang hinanap daw talaga nila to get his services. Si Eric Pineda naman daw ang namamahala ng wardrobe and costume at si Manny Morfe for the production design.

Magsisimula na sa March 10 ang airing ng Ikaw Lamang sa ABS-CBN Primetime Bida.

Alice isinuot ang outfit sa ‘I can feel it’

In character na dumating sa grand launch ng Confessions of a Torpe ang buong cast sa pangunguna ni Ogie Alcasid. Mula sa damit hanggang sa hairstyle ay ’80s na ’80s ang dating nilang lahat (Alice Dixson, Gelli de Belen, Wendell Ramos, Bayani Agbayani, Bibeth Orteza, etc).

Si Gelli ay naka-tease pa ang buhok dahil med­yo nerdy ang role niya at si Ogie naman, mukha siya talagang torpe sa kanyang ayos.

Pero bumilib talaga kami kay Alice dahil para siyang teenager that night. Halos mapagkakamalan ngang magkasing-edad lang sila ng young star na si Shaira May dela Cruz na isa rin sa cast. Naka-bagets outfit ang aktres at bagay na bagay sa kanya. Feeling namin ay bumalik siya sa panahong nagsisimula pa lang siya noon sa showbiz bilang “I Can Feel It Girl”.

Kuwento ni Bibeth, ‘yung outfit daw na ‘yun ni Alice ang suot talaga nito sa soap commercial na ginawa niya in the ’80s kung saan ay sinambit nga nito ang mga katagang “I can feel it” na naging dahilan ng kanyang pagsikat.

Pero ang talagang naaliw kami ay ang kuwento ni Bibeth tungkol sa matagal niyang kinikimkim na galit kay Tirso Cruz III.

Wala naman sa cast si Pip pero natanong kasi kung ano ang craziest thing na nagawa nila noong kabataan nila at ang sagot ni Bibeth, ito raw ay ang galit niya sa aktor na tumagal ng more than 20 years.

Paliwanag ng scriptwriter-actress, during her school days ay sumali raw siya sa isang spelling contest at ang judge that time ay si Pip.

Ang question daw ay spelling ng entrepreneur at minali raw ni Pip ang kanyang sagot gayung tama naman. Buhat daw no’n ay hindi na niya ‘yun nakalimutan hanggang sa napunta na siya sa showbiz at makatrabaho ang aktor.

Ilang beses niyang naidirek si Pip pero hindi raw niya talaga ito kinakausap.

After two decades pa yata sila nagbati dahil nagtanong na raw talaga si Pip sa kanya kung bakit ito galit sa kanya. All the while, hindi talaga alam ng aktor na may ganung nangyari dahil hindi na niya matandaan.

Natawa raw ang aktor nang ikuwento niya kung bakit siya galit and from then on ay naging matalik pa silang magkaibigan at na­ging magkumpare pa.

Anyway, sa March 10 na magsisimula ang Confessions of a Torpe at 7:30 p.m.

vuukle comment

ALICE DIXSON

ANGEL AQUINO

BAYANI AGBAYANI

BIBETH

BIBETH ORTEZA

IKAW LAMANG

NIYA

SIYA

TALAGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with