^

Pang Movies

Meg Imperial pinakanapansin sa ABNKKBSNPLAko?!

REBYUWER KIBITZER - Jhi D. Gopez - Pang-masa

Totoo nga kaya na “cool” daw ang sinabi ni Bob Ong sa film adaptation ng kanyang unang libro na ABNKKBSNPLAko?! nang mapanood na niya ang ginawa ng direktor na si Mark Meily at ng producer na Viva Films?

Eh bakit sa mata ng mga tagahanga ng libro niya ay marami ang nagsasabi na hindi ganun ang inaasahan nila? Nakakatawa ang libro pero hindi mababaw. Ang pelikula, sinamahan ng mga palasak nang sangkap: Love story at sayawang Bagets days pa. Marami na tayong pelikulang napanood na ganun. Pero ang timplang Pinoy sa unang libro ni Bob Ong ay iisa lang.

Wala naman sanang masama kung hindi lang masyadong nagpaka-komersiyal ang atake ni Direk Mark. Ano kaya kung indie film ‘yun at inilabas sa Cinemalaya Independent Film Festival? Baka magkaroon pa ng panibagong cult following ang pelikula sa mga bagong sibol na kabataan. At hindi lang ‘yung 30s-40s na nagre-retro sa kanilang nakaraan.

Baka naman kuntento na rin ang mailap at misteryosong contemporary author (na nakita na raw ng ilang loyal fans) dahil nagkaroon ng panibagong awareness ang higit isang dekada na niyang isinulat. At may kasunod pa raw na dalawang librong isasa-pelikula. Ido-donate rin kaya niya ang kikitain sa mga charitable institution na pinili niya tulad nang nakagawian na niya sa kanyang ibang libro? Sana naman dahil baka malaki ang bayaran sa movie rights at mas marami pa siyang matutulungan.

Ewan lang kung naintindihan ng moviegoers na hindi nakabasa ng libro na ang buod ng istorya ay ang pagpapahalaga sa edukasyon. Hindi ang relasyon kina Ulo (Vandolph), Portia (Meg Imperial), at Special Someone (Andi Eigenmann). Ipinakita ni Roberto “Bob” Ong (Jericho Rosales) na wala sa eskuwelahan o kurso ang edukasyon kundi nasa determinasyon. At kung matalino ka talaga, lalabas at lalabas iyon. Hindi maikukubli sa diploma, mamahaling paaralan, o magagarang kagamitan ang totoong laman ng utak.

Kung meron mang “fresh” na nakita sa ABNKKBSNPLAko?! The Movie ito ay si Meg, ang gumanap na tibong kaibigan nina Bob at Ulo. Sana iyon na lang ang naging launching film ni Meg at hindi ‘yung sexy flick na Menor de Edad.

 

Piolo, nailabas ang matagal nang itinagong pag-e-emote

Sa Starting Over Again naman, pumatok ang chemistry nina Piolo Pascual at Toni Gonzaga  at gumana uli ang magic ng Star Cinema. Blockbuster ang pelikula kahit masasabing hindi naman kagandahan pala. Masaya lang siya at magagaling kasi ang mga bida, lalo na si Iza Calzado.

Kumalat yata ang magandang twist sa ending ng pelikula kaya nagsuguran ang mga manonood na karamihan ay trenta anyos pababa. Pero sa patapos na bahagi na ng kuwento ay madali namang mahuhulaan.

Anyway, ginawang matinee idol uli ni Direk Olive Lamasan si Papa P. kahit hindi na niya henerasyon ang mga mas bata pa kay Toni. At siyempre nailabas ang forte niyang mag-emote.

So, dahil ba sa Starting Over Again ay tanggap na ang mag-dyowa ng sir o ma’am sa eskuwelahan? Huwag naman sanang iyon ang maiwan sa isip ng mga nakapanood na.

***

May ipare-rebyu? E-mail: [email protected].

ANDI EIGENMANN

BOB ONG

CINEMALAYA INDEPENDENT FILM FESTIVAL

DIREK MARK

DIREK OLIVE LAMASAN

IZA CALZADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with