^

Pang Movies

Male celebrity nag-selfie na nakabalandra ang ari para makuhang endorser ng underwear!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Hindi nahiyang aminin ng male celebrity na sa kanya ang selfie photo na naka-post sa isang gay website.

Kinunan niya ang kanyang sarili na naka-underwear lang. Hindi niya sinama ang kanyang ulo pero kita naman ang tattoo sa kanyang braso.

Kuwento pa ng male celebrity sa kanyang sariling blog na talagang kinunan niya ang kanyang sarili sa tapat ng salamin na naka-underwear dahil pinadala raw niya ang litratong iyon sa bossing ng isang kilalang underwear brand.

Pangarap daw ni male celebrity na maging endorser ng naturang underwear brand. ’Yun kasi ang gamit niya at naiinggit siya sa male celebrities na endorsers nito.

Kaya para mapansin siya, kinunan niya ang sarili niya suot ang naturang underwear brand at inayos pa niya ang kanyang “package” para magmukhang karapat-dapat siya na magsuot no’n.

Natawang sinabi pa ng male celeb na inangguluhan pa raw niya ang kuha niya para ma-impress sa kanya ang padadalhan niya.

Ipinagmamalaki naman ng male celebrity na hindi siya gumamit ng labakara para magmukhang matambok ang “package” niya.

Original daw iyong nasa loob ng underwear kaya sana raw mapansin siya para makarampa siya dahil may maipagmamalaki naman siya.

Hindi raw tulad ng isang drama actor na endorser ng underwear brand na halata raw na sinaksakan ng labakara kaya nagmukha raw lampin tuloy ang suot nitong underwear.

James aminadong naiwanan nina Kim at Ejay

Noong 2010 pa nanalo sa Pinoy Big Brother Teen Edition si James Reid at aminado ito na naging mabagal ang pagsikat niya unlike ng mga past winner na sina Kim Chiu at Ejay Falcon.

Inamin ni James na nagkaroon sila nang hindi pagkakaunawaan ng kanyang manager that time kaya raw naging dahilan iyon ng pagkalas niya sa ABS-CBN 2 Star Magic at pumirma siya sa Viva Artist Agency noong 2012.

Pero may mga nagawa naman daw siyang mga show sa bakuran ng Dos tulad ng Shout Out, Good Vibes, at Pintada.

“I am much happier now with Viva as my manager. I’ve been with them for two years now and they’ve been supportive of my singing career.

“I came out with an album last year and some of the songs will be included in the movie I’m making with them titled Diary ng Panget,” ngiti niya.

Si James ang gaganap sa role as Cross Sandford, ang magiging masungit at mapang-aping amo ng bidang si Eya (played by Nadine Lustre).

Bagay daw sa young actor ang role at ito ang first movie niya simula noong pasukin niya ang showbiz.

“They asked me to take up Tagalog lessons so that I can relate more to the story. Mas okay na po ang Tagalog ko kesa noon. I know na magagawa ko ng maayos ang pag-arte ko sa pelikula,” natatawang sabi ni James.

 

vuukle comment

CROSS SANDFORD

EJAY FALCON

GOOD VIBES

JAMES REID

KANYANG

KIM CHIU

NIYA

SIYA

UNDERWEAR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with