^

Pang Movies

TV producer sobrang ingat sa untouchable actor, ayaw punahin kahit bugok ang acting

MASA...RAP - Ernie Pecho - Pang-masa

Super ingat ang isang TV producer kapag ang untouchable actor ay kasama sa cast ng show. Takot siyang punahin ang acting ng aktor, kahit obvious na kulang ito sa damdamin at tila inuulit lang ang na-memorize na linya.

Subukan niyang magreklamo kahit kanino sa mga kasama sa project. Tiyak na tsugi agad siya.

 

Mat Ranillo may pulitikonang pinagsumbungan noon pa

Ang claim ng actress/director/producer na si Suzette Ranillo, ang kanyang kapatid na si Mat Ranillo III ang original whistleblower sa pork barrel scam na ang itinuturong mastermind ay si Janet Lim-Napoles.

Sa pahayag ni Suzette, noong 2007 pa na-reveal ni Mat sa isang politician ang tungkol sa pangungurakot mula sa pork barrel fund ng mga lawmaker.

‘‘Na-ignore lang at hindi pinakinggan ang kanyang ipinahayag,’’ dagdag pa ni Suzette.

Ayon din sa kanya, nakahandang umuwi sa bansa ang dating aktor from the USA kung sakaling ipatawag para tumestigo sa kaso. Marami pang madadawit na kilalang personalities kapag nagsimulang nagsalita si Mat Ranillo III.

 

Ynna malungkot pa rin

Nalungkot si Ynna Asistio sa paglabas ni Mark Herras sa TV upang aminin na meron na siyang isang anak na babae.

Nangyari kasi ang pagbubuntis sa another partner ng aktor noong may relasyon pa sila ni Ynna. Ibig sabihin, pinagtaksilan siya ng kanyang boyfriend, na lubos niyang pinagkatiwalaan.

Si Mark naman, cool lang sa kanyang pag-amin at humingi ng paumanhin sa dati niyang steady.

Ngayon kabilang na si Mark Herras sa liga nina Dennis Trillo, Patrick Garcia, at iba pang celebrities na may anak sa pagkabinata.

 

Mali-maling pinagsasabi ni Roxanne makakapagbasura lang sa kaso kay Vhong

Pinagdududahan ang ibinibintang na rape kay Vhong Navarro ng former beauty pageant contestant na si Roxanne Acosta Cabañero. Hindi kasi magtugma ang mga detalyeng nasabi niya sa mga statement ng ibang testigo at mga taong may kinalaman sa contest noon.

Palagay ng marami, maaaring ma-dismiss agad ang nasabing ‘‘rape’’ case kontra sa aktor.

 

Pero takot magpa-check up Sexy personality nakakaramdam na may HIV

Takot na magpa-check up ang isang sexy personality upang malaman kung siya ay HIV (human immunodeficiency virus) positive. Sa maraming taon niyang karanasan sa iba’t ibang partners, ang feeling niya, dinapuan na siya ng incurable disease na AIDS (Acquired Immune Deficiency Syndrome).

Iniiwasan na rin siya ng kanyang mga suki kaya hirap siyang maghanap ng ikabubuhay. Pati ang kanyang mga alagang chicks na kinakaltasan niya ng komisyon, nilayasan na rin siya.

Kapag tumanggap naman siya ng bagong showbiz assignments, nangangamba siyang halukayin ng media ang tunay niyang kalagayan.

Hindi naman siya sigurado kung may-sakit, dapat lakasan ang loob upang higit na madali ang mag-move on at mag-ingat na nang husto kung wala pa siyang HIV virus.

 

Angeline nag-VJ kaya napataas ang album sa chart

Nagbunga na ang pagiging celebrity VJ (video jockey) ni Angeline Quinto sa MYX Music Chanel, the whole month of February. No. 1 na sa hit charts ang kanyang bagong Higher album. Pangalawa lang ang newly released Avril Lavigne-Asian Tour edition CD at ang Acoustic Noel ni Noel Cabangon ang No. 3.

Kasali sa Top 10 at ninth slot ang bagong K CD ni Karylle at karamihan ng mga album ng mga foreign artist.

Naglahong muli ang DJP second album ni Daniel Padilla sa best sellers, kaya hindi na naman mapalagay ang kanyang fans.

 

Jonalyn ginawang support lang ang dalawang diva

Siyam na taon na pala sa eksena ang GMA si­nging champion na si Jonalyn Viray at aktibo pa rin siya sa pagkanta. Kasali niya sa Fearless live concert sina Regine Velasquez at Kuh Ledesma sa Feb. 28 in Music Museum, San Juan City.

Solo concert ito ni Jonalyn kaya support lang niya ang mga pop diva with Brennan Espartinez.

vuukle comment

CENTER

KANYANG

MARK HERRAS

MAT RANILLO

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with