^

Pang Movies

Balikang Derek at Solenn naudlot

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Ilang beses pinalakpakan ng entertainment press ang magagandang eksena nina Derek Ramsay at Angel Aquino sa special preview ng Bawat Sandali, ang last episode for the love month of February ng Studio 5 Original Movies. Sa direksiyon nina Joel Lamangan at Eric Quizon, story ito ng dalawang lonely people na nagkakilala in unusual circumstances. Destiny ba nila ang ma-in love sa isa’t isa gano’ng may asawa na si Angel? 

 â€œAyaw kong isipin na magagawa ko iyon sa tunay na buhay,” sabi ni Derek. â€œLalo pa sa story ay may anak si Angel at ang husband niya (played by Yul Servo).”

Naikuwento ni Derek na ang dating girlfriend na si Solenn Heussaff ang isa sa kinonsider to play the role played by Angel pero hindi na puwede dahil pumirma ulit ng contract ang actress sa GMA Network. 

But kung may chance, he will love to work with her. Puwede raw siguro kapag gumawa na siya ng movie sa Regal Entertainment, Inc. 

Mapapanood mamaya ang Bawat Sandali at 8:00 p.m. sa TV5.

Sharon bubuwelo bago makipagbalikan kay Richard

Finale week na ngayon ng tawa-serye ng TV5 na Madam Chairman. Sa last taping day nila, nagpasalamat si Sharon Cuneta kina Direk Joel Lama­ngan at sa mga co-star niya dahil naging maganda at masaya ang samahan nila sa five months na nag-taping sila. Mami-miss daw niya ang character niya bilang si Bebeth dahil ipinakita ng scriptwriter na si Direk Joey Reyes ang pagiging more human niya sa mga manonood. 

Magpapahinga raw muna siya at pagbalik niya, magsisimula na siyang mag-taping ng bagong sitcom na My Pirated Family na balik-tambalan sila ng dating boyfriend na si Richard Gomez na nag-guest din sa ilang episodes ng Madam Chairman

Ang Madam Chairman ay napapanood every 7:30 p.m. sa TV5.

Alden feeling blessed na makakatrabaho ang Superstar

Kung masayang-masaya at blessed si Alden Richards na siya ang pinili ni Marian Rivera na makatambal sa primetime drama series na Carmela, labis din ang katuwaan niya na siya ang pinili ni Direk Adolf Alix, Jr. na makatambal ni Superstar Nora Aunor sa short film na ginawa nito, ang Kinabukasan.

Ninerbiyos si Alden nang una silang mag-taping na magkasama ni Marian pero lalo raw siyang ninerbiyos nang makaeksena na niya ang Superstar na napakahusay na aktres.

 

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

ANG MADAM CHAIRMAN

ANGEL AQUINO

BAWAT SANDALI

DEREK

DEREK RAMSAY

MADAM CHAIRMAN

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with