^

Pang Movies

John Lloyd tinitira na lasing kaya naaksidente

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Mukhang unfair naman yata kay John Lloyd Cruz ang mga bintang na pinakakalat sa Internet. Naaksidente na nga, sinasabi pa nilang baka lasing kaya nangyari iyon. Kasi raw medyo malabo ang aksidente dahil nasubasob si John Lloyd na una ang mukha. Hindi raw normal iyon sa isang aksidente sa bisikleta, na karaniwang sa tabi bumabagsak.

Pero isa man sa mga nagpapakalat ng espekulasyong iyon ay wala naman sa lugar na pinangyarihan ng aksidente, at hindi naman nila nakita kung ano talaga ang pangyayari. Paano ba nasubsob si John Lloyd na naging dahilan para magalusan pati ang kanyang mukha?

Pero iyon na nga ang problema eh kasi kahit na ano nasasabi nila sa Internet. Wala silang responsibilidad eh. Sa diyaryo hindi puwede ang ganyang espekulasyon dahil alam mong may ma­lisya, libelo iyan. Sa Internet, ang sinasabi nila, “freedom of expression” pero kung iisipin ay talagang libel din naman iyon. Hindi nga lang siya printed pero kalat din naman iyon sa maraming tao. Kaya nga naiisip namin, tama rin ang desisyon ng Korte Suprema na ipatupad na ang batas na libelo kahit na sa Internet para naman maging responsable rin sila sa kanilang ipinaglalalabas.

Kung iisipin ninyo, ano ang motibo para sabihin na ang isang taong naaksidente sa oras mismo ng kanilang trabaho ay “baka lasing”? Ano ang motibo para iugnay ang aksidenteng iyon sa ilang naunang pangyayari na lasing diumano si John Lloyd? Hindi kaya para makalikha lamang ng controversy o makapanira lamang?

Unfair naman iyon kay John Lloyd. Nasaktan na nga iyong tao. Nangyari iyon sa oras ng kanyang trabaho. Kung iisipin, wala naman sigurong atraso si John Lloyd sa mga naninira sa kanya, at nagbibigay pa siya ng kasiyahan sa marami, parang mali naman yatang manira pa sila ng kapwa nila.

Roxanne lalaban talaga kay Vhong

Mukhang palaban talaga si Roxanne Acosta Cabañero sa kabila ng inilabas na video at testimony ng mga ibang saksi na nasa Island Cove sa Kawit, Cavite para sa isang concert si Vhong Navarro noong gabing sinasabi niyang “binaboy” ng komed­yante ang kanyang pagkababae.

“Maaari siyang magsinungaling pero lalabanan ko siya,” sabi ni Ro­xanne.

Baka naman may mailalabas ding ebidensiya at mga testigo si Roxanne na makapagpapatunay ng kanyang sinumpaang pahayag sa kabila ng inilabas na mga ebidensiya ng kampo ni Vhong. Isa rin sa naglabas ng mga ebidensiya pabor kay Vhong ay ang dati niyang asawang si Bian­ca Lapus.

Well researched ang mga ebidensiya. Inilabas din nila ang poster sa Island Cove na nakalagay na April 24, 2010 ang concert sa ganap na alas-otso ng gabi.

Magulo ’yan. Hintayin natin kung ano namang ebidensiya at sino naman ang mga testigong haharap pabor kay Roxanne.

Female star humiwalay sa mister, lumipat sa rich T-bird

How true? Iyon daw isang female star na humiwalay sa kanyang asawa kamakailan lang ay alaga na pala ngayon ng isang lesbian.

Sinasabi pa raw ng female star na wala raw yata siyang suwerte sa asawa kaya sinusubukan naman niya ngayon ang isang lesbian bilang partner. Mayaman daw ang tomboy kaya suportado at sunod ang luho ng female star.

 

vuukle comment

ISLAND COVE

IYON

JOHN LLOYD

JOHN LLOYD CRUZ

KORTE SUPREMA

NAMAN

ROXANNE

VHONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with