^

Pang Movies

Mga nambugbog kay Vhong, humarap sa DOJ!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

No-show kahapon si Vhong Navarro sa preliminary investigation sa Department of Justice (DOJ) ng mga kaso na isinampa niya laban kina Cedric Lee, Deniece Cornejo, at iba pang mga nambugbog sa kanya noong Jan. 22.

Minabuti ni Vhong na huwag dumalo sa preliminary investigation dahil hindi pa siya ready na makaharap ang kanyang mga kalaban. Masyadong malalim ang trauma na idinulot sa kanya ng mga ginawa ng grupo nina Cedric at Deniece.

Umapir sa preliminary investigation ang dalawang akusado pati ang mga pulis na nag-blotter sa reklamo nila noon laban kay Vhong.

Inireklamo ng  kanilang abogado na masyadong nakatutok ang mga TV camera sa kanyang mga kliyente.

Hindi natinag ang mga cameraman. Medyo lumayo sila kina Cedric, Deniece, at iba pang mga akusado para hindi masilaw ng kanilang mga ilaw pero nakatutok pa rin ang mga kamera nila.

Pinigilan ng abogado ni Deniece na ilabas ng DOJ ang resolution sa rape complaint ng dalaga laban kay Vhong.

Denise mas lalong pinag-iinitan ng bashers ni Deniece

Nakialam na ang management agency ni Denise Laurel sa isyu ng bullying sa aktres na napagbibintangan na si Deniece Cornejo.

Nakiusap ang mga namamahala sa showbiz career ni Denise na huwag na itong i-harrass dahil hindi siya ang kalaban ni Vhong Navarro.

Nakapagtataka naman talaga na malayung-malayo ang hitsura ni Denise kay Deniece pero sige pa rin ang mga basher sa pang-aalipusta sa isa sa mga bida ng Third Eye.

Paulit-ulit na nilinaw ng aktres sa presscon ng Third Eye na hindi siya si Deniece. Parang nananadya na ang mga basher ni Denise na walang takot sa online libel law na ipatutupad na ng korte.

Michael Martinez may hero’s welcome

Isang hero’s welcome ang naghihintay kay Michael Christian Martinez sa pagbabalik nito bukas, Feb. 23, sa ating bansa.

Si Michael ang Filipino figure skater na naging kalahok sa Winter Olympics. Hindi man siya nag-win, nagbigay si Michael ng karangalan sa Pilipinas.

Ang SM Malls management ang punong-abala sa paghahanda sa hero’s welcome para kay Michael. Why not? Natuto si Michael ng ice ska­ting dahil sa ice skating rink ng SM.

Nagbigay din ang SM management ng financial help sa training ni Michael na nakatulong din sa kanila dahil napukaw ng 17-year-old figure skater ang interes ng mga Pinoy sa ice skating.

Mag-expect tayo na kaliwa’t kanan ang mga TV guesting ni Michael dahil sa tagumpay niya sa international scene.

CNN at Anderson Cooper nagkamit ng awards dahil sa Typhoon Yolanda

Congratulations sa CNN at kay Anderson Cooper dahil ang kanilang station ang tinanghal na News Channel of the Year ng Royal Te­levision Society (RTS)!

Tinalo ng CNN ang equally prestigious networks na Sky News at BBC News. Napanalunan din ng CNN ang best news coverage international award dahil sa coverage nila sa Typhoon Haiyan na mas kilala natin bilang Typhoon Yolanda. Sosyal ’di ba?

Hindi nabalewala ang pagpunta ni Papa Anderson sa ating bansa. Nanalo na sila ng awards, na­tulungan pa nila ang mga kababayan natin na naging biktima ng pinakamalakas na bagyo sa buong mundo noong 2013. Nadagdagan ang bilang ng mga bansa na tumulong sa atin dahil napanood nila ang mga report ng CNN tungkol sa delubyo na naranasan ng ating bayan.

Alam nating lahat ang mga nangyari kay Papa Anderson noong na­ririto siya sa ating bansa. Knowing him, pasasalamatan at pupurihin niya uli ang katatagan na ipinakita ng mga Pinoy sa gitna ng trahedya.

ANDERSON COOPER

DAHIL

DENIECE

DENIECE CORNEJO

DENISE

MICHAEL

PAPA ANDERSON

THIRD EYE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with