^

Pang Movies

Dating papaya queen na si Aya Medel certified chef at may sariling restaurant na

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Nakakatuwa namang mabalitaan na certified chef at may-ari na ng restaurant ang dating sexy star noong ’90s na si Aya Medel.

Sa kanyang hometown sa Tabaco City, Albay matatagpuan ang IshiAya’s Garden Bistro at magkakaroon ito ng grand launch sa buwan ng Mayo.

Nakilala si Aya sa mga sexy pito-pito movie na pinagbidahan niya noong ’90s. Binigyan nga siya ng titulong Papaya Queen dahil sa laki ng kanyang boobs.

Tinalikuran ni Aya ang showbiz dahil mas pinili niya ang maging misis ng isang Japanese businessman na si Yoji Hayakawa kung kanino meron siyang isang anak named Ishi.

Naging abala si Aya sa restaurant bar na tinayo nilang mag-asawa sa Makati City. Noong maghiwalay sila, doon na naisip ni Aya na mag-aral ng culinary arts since mahilig siyang magluto at pangarap niyang magtayo ng sariling restaurant.

Nag-enrol siya sa Center for Asian Culinary Studies in 2008. Naging master chef niya si Gene Gonzalez.

 â€œI went back to school to pursue my dream to be a professional chef. Proud to say I got two medals,” say pa ni Aya sa kanyang Facebook page.

Ang kanyang restaurant na IshiAya Bistro ay magse-serve ng international cuisine, authentic Japanese Yakiniku food, at Pinoy dishes.

Female celeb na boring ANG personalidad nagkaka-energy ‘pag nagagalit

Hindi na ni-renew ng isang TV show for another season ang female celebrity dahil hindi maganda ang feedback sa kanya ng mga nakakatrabaho niya sa naturang show.

Unang problema raw ni female celebrity ay ang napaka-boring niyang personality. Kailangan ay bubbly ang ipakitang personality pero wala silang makuhang natural na emosyon dito.

“Madalas nakasimangot ang babaeng ’yan. Paano ka ba naman matutuwang kasama siya eh mukhang hindi rin niya type ang pinapagawa sa kanya?

“Kung hindi lang dahil sa network contract niya na kailangang may gawin siyang show, hindi naman namin kukunin ’yan dahil sa pagiging boring niyang tao. Mas may personalidad pa ang puno kesa sa kanya,” mataray na deklara pa ng source namin.

Isa pang reklamo nila sa female celebrity ay ang pagiging masungit nito. Ayaw daw nitong pinamamadali siya at ’yung paulit-ulit siyang pinagsasabihan ng gagawin niya sa set.

Minsan ay kung anu-anong mga masasakit ang sinabi nito sa isang production assistant, hindi niya alam na naka-on ang lapel mic niya.

 â€œPromise, bigla siyang nagka-energy noong talakan niya ang P.A. namin sa set noong tinawag na siya para kunan. Aba, kilos-pagong na siya, ayaw pa niyang minamadali siya. Prinsesa siya para hindi madaliin, eh kailangan naming matapos siya dahil siya itong nagsabi na gusto niyang maaga siyang matapos?”

Ang sumunod na nangyari, narinig ang pagsusu­ngit niya na hindi nagustuhan ng mga bossing.

 â€œKaya huwag na siyang magulat kung hindi na siya mauulit sa show namin dahil malaki ang problema sa personalidad niya, sa totoo lang,” dagdag pa ng source namin.

Christina Aguilera gusto na uling mabuntis

Engaged na ang singer na si Christina Aguilera sa kanyang boyfriend na si Matt Rutler.

Nag-propose si Rutler kay Aguilera noong nakaraang Valentine’s Day at ipinoste pa nila ito sa Twitter. Isang malaki at mamahaling diamond ring ang ibinigay ni Rutler sa singer.

Noong 2010 pa nagde-date ang dalawa after makipaghiwalay si Aguilera sa kanyang mister na si Jordan Bratman kung kanino meron siyang anak (si Max, six years old).

     Matagal na ngang divorced si Aguilera at ready na siyang maging mother ulit sa kanyang bagong mapapangasawa.

 

vuukle comment

AGUILERA

ASIAN CULINARY STUDIES

AYA

CHRISTINA AGUILERA

NIYA

SIYA

SIYANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with