^

Pang Movies

Robocop actor hindi purong amerikano

REBYUWER KIBITZER - Jhi D. Gopez - Pang-masa

Kung hindi ko pa napanood sa isang Swedish-Norwegian TV talk show ang guesting ng bagong Robocop actor na si Joel Kinnaman ay hindi ko malalaman na hindi pala siya purong Amerikano. Ipinanganak at nagkaedad na siya sa Sweden kahit Amerikano ang kanyang ama bago nag-Amerika nung 2009. Nung umpisa ng show ay nag-i-English pa ang aktor pero katagalan ay dire-diretso na siya ng lengguwahe ng Sweden.

Ang Robocop remake ang pinakamalaking break ni Joel dahil solo niya ang pelikula at marami pa ang nakakaalala sa orihinal na pulis-robot nung 1987. Nakalabas na ang Swedish-American actor sa ilang Hollywood films pero isa lang siya sa supporting cast tulad sa The Girl with the Dragon Tattoo at Safe House.

Base sa mga naunang trailer, bago ipinalabas ang modernong Robocop sa mga sinehan nung Miyerkules, guwapo at matikas ang hitsura ng lead actor. ’Yun nga lang madalas namang nakabalot ang katawan niya sa bakal at may helmet pa ang ulo.

Sa TV guesting ni Joel ay mukhang hindi siya kaguwapuhan at may kapayatan. Pero kung sa Robocop na pelikula ay walang emosyon ang kanyang mukha, sa interview sa kanya ay masayahin naman pala siya at matsika.

Pelikula ni Leonardo napahaba ng hubaran at pagdo-droga

Sa isang sinehan naman, habang nakabakasyon, ay naabutan ko pa ang The Wolf of Wall Street ni Leonardo DiCaprio na mga higit isang linggo nang tapos ipalabas dito sa atin pero kauumpisa pa lang sa Namsos, Norway. Kokonti lang ang mga nanood pero araw-araw ay may screening. Hindi pala basta-basta nagtatanggal ng palabas sa kanila kahit kokonti lang ang mapagpipiliang foreign films.

Nakakagulat na mahaba pala ang pelikulang idinirek ni Martin Scorsese sa kanyang paboritong bida. At ang nagpahaba ay ang mga walang takot na love scene, hubaran, at pagdodroga ng ilang karakter. Ito ang dahilan kung bakit katumbas ng R-18 natin ang pelikula na tungkol sa naging buhay ng bigating stockbroker na si Jordan Belfort, na ngayon ay isa nang motivational speaker.

Siyempre ang Norwegian ticket price ay nakakalula kung iko-convert sa ating peso. Pero para sa mga Norwegian ay sakto lang ang presyo lalo na at na-appreciate naman nila ang Wolf of Wall Street. May Norwegian caption ang pelikula kaya walang problema kung hindi agad madinig ang mga dialogue ni Leonardo at mga kasama.

Maganda naman sana ang Wolf of Wall Street pero lumaylay na sa papuntang ending. O siguro dahil nga masyadong nabanat ang pelikula kaya nakakaumay na sa katagalan.

Sa kabuuan, hindi man masasabing waging-wagi talaga ang balik-tandem nina Direk Martin at Leo­nardo ay pasado na rin kung balak n’yo lang sundan ang collaboration ng dalawa tuwing gumagawa sila ng malaking proyekto. Sa aking palagay, ang pinakamaganda pa rin nilang ginawa ay ang The Departed (2006).

***

May ipare-rebyu? E-mail: [email protected]

 

AMERIKANO

ANG ROBOCOP

DIREK MARTIN

DRAGON TATTOO

JOEL KINNAMAN

JORDAN BELFORT

LANG

ROBOCOP

WOLF OF WALL STREET

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with