^

Pang Movies

Richard at Sarah, malapit nang magbalik-GMA!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Nasa contract signing ni Dennis Trillo sa GMA Network si Atty. Annette G. Abrogar, President ng GMA Films at biniro namin siya na akala namin, ang special announcement nila ng araw na iyon ay tungkol sa pagba­balik-GMA na ni Sarah Labhati, matapos itong magpa-interview sa Startalk noong Saturday. Kaya tinanong na namin si Atty. Annette tungkol sa libel case niya kay Sarah, nasa stage na raw sila ng mediation at may schedule na sila para mag-usap. Open daw naman siya sa mediation, basta tama lang at sana raw makita niyang sincere sa pakikipag-usap si Sarah. Tungkol naman sa isinampang kaso ng GMA Network laban kay Sarah, iba raw iyon sa kasong nai-file niya, kaya ayaw niyang magsalita tungkol doon.

Nagkatawanan ang mga kaharap na entertainment press ni Atty. Abrogar nang tanungin kung saka-sakali papayag ba siyang maging ninang sa kasal nina Richard Gutierrez at Sarah. Basta raw magkabati na sila ni Sarah at wala raw namang problema kay Richard. In fact, may ginagawa ngayon si Richard sa kanila sa GMA Films, ang Overtime, katambal si Lauren Young at sa direksyon ni Wincy Ong.

Elizabeth Oropesa hindi matanggihan ang showbiz kahit doktor na

Naintindihan namin ang sentimyento ng line-producer ng Sitio Camcam na si Dennis Eva­ngelista sa pag-back-out ni Charee Pineda bilang isa sa mga asawa ni Allen Dizon sa indie film na dinidirek ni Joel Lamangan. Nagtaka siya kung bakit nakipag-meeting pa at buong ningning na nag-attend ng story conference si Charee, na nagkuwento pa na siya ang youngest sa tatlong wife played nina Jean Garcia at Sunshine Dizon. Nagpasalamat pa ito na sa wakas daw ay makakatrabaho na niya ang award-winning director. Hindi raw kasi ito tumanggi nang sabihin nila kung ano ang role ni Charee. Pero after nga ng story conference, nakatanggap sila ng pasabi from Charee na hindi na siya pwedeng mag-play ng role dahil baka masira ang       image niya bilang councilor ng Valenzuela City. 

Ang story kasi ng Sitio Camcam na sinulat ng premyadong scriptwriter na si Jerry Gracio ay tungkol sa mga illegal na gawain ng barangay captain at ng tatlo niyang asawa.  Nauna nang tinanggihan ni LJ Reyes ang role bago si Charee. Si Jackie Rice na kasalukuyang nagti-taping ng Innamorata sa GMA 7, ang kinukuha nilang kapalit ni Charee.

Kasama rin sa Sitio Camcam si Elizabeth Oropesa na isa na palang Alternative Medicine doctor. Noong time pala na hindi siya naging busy sa showbiz, pumunta siya sa abroad at doon nag-aral. May clinic siya ngayon somewhere in Fairview, Quezon City. Happy na si La O dahil pare-pareho nang college graduate ang mga anak niya at may kani-kanila nang trabaho. May apo na rin siya sa panganay niyang si Genevieve na alaga pa rin ng Mamang niya. Hindi pa rin daw niya matalikuran nang husto ang showbiz kaya basta may offer, TV man o movies, tinatanggap niya. 

Biniro namin si La O kung tuloy pa rin ang pagkandidato niya sa kanila sa Bicol. Nagtataka raw siya kung bakit may ganoong balita, wala naman daw siyang balak kumandidato.

vuukle comment

ABROGAR

ALLEN DIZON

ALTERNATIVE MEDICINE

ELIZABETH OROPESA

LA O

NIYA

SITIO CAMCAM

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with