^

Pang Movies

Kesa ilibot sa international filmfests, Nora mas gustong pumatok sa takilya ang pelikula nila ni Coco

MASA...RAP - Ernie Pecho - The Philippine Star

Pati ang international film community, excited na sa Padre de Familia. Ngayon pa lang ay may mga organizer na ng worldwide film festival ang gustong isali sa official entries nila ang unang pelikulang pinagtambalan nina Nora Aunor at Coco Martin.

Tulad ni La Aunor na kilala na sa mga presti­gious filmfest, popular din si Coco na leading man sa Kinatay na nagbigay ng best director award kay Brillante Mendoza sa Cannes International Film Festival. Before that, naging bida na rin ang young actor sa mga obra ni Mendoza na nagwagi sa mga international filmfest.

Maging si Joel Torre, na gumanap na pabayang ama sa Padre de Familia, nahirang na ring best actor sa mga global filmfest.

Kahit flattered ang Superstar, ang hiling pa rin niya ay mauna muna na tanggapin ang Padre de Familia sa takilya. Isang leading box-office star si Coco Martin kaya’t umaasa ang aktres sa big success at the tills ang kanilang unang pagsasama.

“Iba talaga ang feeling kung tatanggapin ang aming pelikula sa ating sariling bayan,” sabi ni Nora. “Kaya tuloy ang aming pagdarasal at, I’m sure, pati ng fans ni Coco, na dayuhin sa mga sinehan ang Padre de Familia.”

 

Rachelle Ann takot pa rin  sa hubog ng katawan

A day after the final audition in London, England ay nag-offer na pala agad ang director at producer ng Miss Saigon West End revival ng Gigi role kay Rachelle Ann Go. Tinanggap niya agad kahit may mga doubt pa sa kanyang isip.

“Higit na magaan ang feeling ko na tanggapin ito sa halip na tanggihan,” say ni Rachelle.

Ang isa sa kinatatakutan niya ay ang pagsusuot ng two-piece bikini sa stage. Pakiramdam niya, hindi kagandahan ang hubog ng kanyang katawan for such a sexy attire. She needs to shape up to be really fit and in the right shape.

Sa kanyang London engagement, umaasa si Rachelle na magkaroon ng break upang makapasyal sa Paris, France.

 

Vicky Morales positive vibes ang hatid

Kasali sa bagong 8 p.m. block, o Deretso Alas Otso, ng GMA News TV si Vicky Morales bilang host ng every Monday show na Good News.

Pawang positive vibes o magagandang balita ang ihahatid ng multi-awarded broadcaster.

Inspiring stories ang hatid ni Vicky at meron pang fun portions at mga piling recipe.

Fans ng singer galit na galit, namakyaw ng album pero ’di pasok sa Top 10

 Nag-text ng kanilang reklamo ang leader ng grupo ng fans. Namakyaw daw sila ng album ng kanilang idol pero hindi naman nakasali sa Top 10. Baka naman kapos ang budget ninyo, kaya dagdagan ang papakyawin para tiyak na next week ay nasa hit charts na ang inyong favorite.

Kung minsan kasi talagang higit ang mga totoong bumibili ng CD ng isang artist kesa sa mga namamakyaw lang.

Ang Acoustic Noel album ni Noel Cabangon ang nasa No.1 this week sa overall charts. Kasali pa rin sa Top 10 ang Daniel Padilla DJP second album at No.6.

 

Arnel paisa-isa ang labas ng kanta sa bagong album para ’di mapirata

Malapit nang ilabas ang all-original album ni Arnel Pineda, na noon pang isang taon niya sinimulan. Siya ang sumulat ng mga kanta, na isa-isa muna ang paglalabas. Ito kasi ang paraan upang maiwasan ang mga pirate na kopyahin ito at maglabas ng pekeng kopya.

Maaari nang i-download sa iTunes ang kanyang Paumanhin at Ewan Ko Ba.

ANG ACOUSTIC NOEL

ARNEL PINEDA

BRILLANTE MENDOZA

CANNES INTERNATIONAL FILM FESTIVAL

COCO MARTIN

DANIEL PADILLA

VICKY MORALES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with