Love story ng teenager na bading namamayagpag sa Berlin filmfest
Lumikha ng ingay si Direk Joselito “Jay†Altarejos sa pamamagitan ng pelikula niyang Unfriend sa Berlin Film Festival sa Germany. Hango ito sa istorya ng isang trese anyos na pumatay sa kanyang boyfriend at pagkatapos ay nagbaril sa sarili. Ang video nito ay naging viral sa Internet. Naging isang krusada ito ni Direk Jay at nangako sa sarili na may gagawin siya para ipaalam sa mga mamamayan kung gaano kalaki ang impluwensiya ng bagong teknolohiyang ito sa Internet na maaaring makabuti at makasama sa mga kabataan.
Aakayin niya ang mga manonood sa isang bangungot na paglalakbay sa bida niya sa pelikulang si David, isang kinse anyos. Bigla siyang iniwan ng kanyang minamahal makaraan ang Kapaskuhan. Kaya babaling ito sa kanyang cell phone, iPad, at computer sa kanyang depresyon na pahabain pa ang kanyang relasyon sa 17-year-old niyang boyfriend na si Jonathan.
Mahusay na isinalaysay ni Direk Altarejos ang mga masasakit na karanasan ng isang gay na kabataan, matinding atraksiyon sa kanyang karelasyon, at ang mahalagang papel ng social media sa dramang ito. Kung paanong ang Internet ay maaaring magtulak sa mga sensitibong pag-iisip ng mga kabataan para pumalaot sa delikadong mundong ito ng cyberspace. Habang nalulunod si David sa mga phone call, text message, at tawag sa Skype na hindi sinasagot, unti-unti na siyang nawawala sa tunay na mundo at may nabubuo na palang malalim na plano sa kanyang isip.
Ang Unfriend ay ipalalabas sa Pebrero 26 sa inyong paboritong mga sinehan at tampok ang mga bituing sina Sandino Martin, Angelo Ilagan, at Boots Anson-Roa.
Ang pelikula ay iri-release ng Solar Entertainment Corporation.
Charee payag na ma-typecast na kontrabida
Maganda ang takbo ng career ni Charee Pineda at napatunayan sa nakaraang teleserye sa GMA Films kung gaano siya kaepektibo sa karakter na ginagampanan.
Kasama ito sa pelikulang Sitio Camcam ng BG Productions at lalabas bilang isa sa tatlong asawa ni Allen Dizon.
Payag siyang ma-typecast na kontrabida basta’t maganda ang proyekto at sa direksiyon pa ni Joel Lamangan.
- Latest