^

Pang Movies

Namamaho na dating model-actor pinabayaan ang sarili

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Na-turn off ang isang TV reporter nang ma-interview ang inactive male model na ngayon ay iba na ang ginagawa sa kanyang buhay.

Naabutan niya sa isang showbiz event ang naturang modelo dahil sinusuportahan niya ang isang kaibigan na nasa showbiz. Nagpaunlak naman daw ito ng interview dahil matagal din daw siyang hindi nakakaharap sa kamera.

Sey nga ng TV reporter na sana pala ay tumanggi na lang na magpa-interview ang former model-turned-actor dahil mukha raw itong hindi naliligo.

“Sana man lang nag-excuse muna siyang pumunta sa men’s room para maayos niya ang hitsura niya.

“Jusko naman, parang hinahabol ng suklay ang buhok niya at feeling ko, matagal na siyang hindi humaharap sa salamin. Kasi hindi na siya ‘yung dating model-actor na pinapantasya ng mga bading at matron noon. Dugyutin na ang hitsura niya.

“Ganyan ba talaga ang hitsura ng mga taong nagpapaka-artist sa buhay? Nakakalimutan na nilang magmukhang malinis at kailangan mukhang taong grasa sila?” kuwento pa sa amin ng TV reporter.

Bukod sa mala-ermi­tanyong hitsura ng dating model-actor, may kakaibang amoy na rin daw ito. Pagbukas pa lang daw ng bibig nito ay kung anong amoy bawang ang nailabas nito.

 â€œYan ang gustong itanong din. Kapag nagpaka-artist ba ang isang tao, kailangan makalimutan nang mag-toothbrush? Sana mag-candy man lang para bumango ang hininga, ‘di ba?

 â€œKaso mukhang wala na siyang pakialam sa hitsura at amoy niya. Kung ganyan ang mga gustong magpaka-artist, magsama-sama sila para sila ang mag-amuyan ng mga mababaho nilang katawan!” pagtatapos pa ng TV reporter.

Michael Christian mas tinutukan nung Valentine

Walang masyadong nabalitaan sa mga naganap na mga Valentine’s Day shows noong nakaraang February 14 dahil mas pinag-interesan ng social media ay ang sikat na Filipino figure ice skater na lumalaban sa Sochi Winter Olympics 2014 na si Michael Christian Martinez.

Kinabog ni Michael ang mga balita sa Facebook, Twitter, at Instagram dahil siya ang laman ng mga ito.

Mas tumutok ang marami sa pagpanood kay Michael sa Sochi Winter Olympics na umeere sa TV5. Nitong nakaraang February 14, nagpakita ng buong husay si Michael kung saan nakakuha siya ng mataas na score.

Nitong huling performance niya sa men’s figure skating finals, Michael placed 19th with a score of 184.25. Nakuha ni Yuzuru Hanyu of Japan ang gold; Patrick Chan of Canada ang silver; ang ang bronze ay napunta kay Denis Ten ng Kazakhstan.

Hindi man nakakuha ng medalya si Martinez, natuwa naman ito dahil ang mga iniidolo niya sa figure skating ay kanyang nakalaban at ilan sa kanila ay kinabahan sa husay ng 17-year old Pinoy na ito na taga-Parañaque City.

Si Michael Martinez ang kaisa-isa at kauna-unahang Pinoy na nakasali sa history ng Winter Olympics.

Nakakuha ng maraming magagandang comments si Michael mula sa mga commentators ng competition kaya ito ang mga masasabing award na nakuha niya.

“Sobrang saya. Sobrang nakatataba ng puso. My goal is to qualify and compete again in the next Winter Olympics,” pahayag pa ni Michael sa kanyang interview.

Deserve ni Michael ang isang Hero’s Welcome sa pag-uwi niya ng Pilipinas mula sa Sochi Winter Olympics. He made history as the very first Southeast Asian figure ice skater to compete in the Winter Olympics.

Chris Brown kinasuhan ng pambubugbog

Kinasuhan ang R&B rapper na si Chris Brown dahil sa pambubugbog sa isang lalake na nagnga­ngalang Malcolm Ausbon.

Nagsimula ang lahat dahil sa isang basketball game sa 24-Hour Fitness gym na ikinainit ng ulo ni Brown nang mag-commit siya ng isang foul move na sinimulan ni Ausbon.

Binantaan agad ni Brown si Ausbon at pinagmalaki pa na miyembro siya ng gang na Bloods.

Bigla na lang daw sinugod si Ausbon ni Brown at ng tatlong security team nito at pinagbubugbog siya.

Nagtamo ng injuries si Ausbon sa mukha, leeg, likod, binti, at tadyang. Nagkaroon pa siya ng post traumatic stress disorder dahil sa nangyari.

Hindi lang si Brown ang kinasuhan ni Ausbon kundi pati na ang security team nito at pati na ang 24-Hour Fitness na walang ginawa ang security nang simulan siyang bugbugin.

AUSBON

CHRIS BROWN

DAHIL

HOUR FITNESS

MICHAEL

NIYA

SOCHI WINTER OLYMPICS

WINTER OLYMPICS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with