Masayang namamahinga na ang ama Regine tapos na ang pagluluksa!
MANILA, Philippines - Careful na si Regine Velasquez na hindi mawala ang boses niya dahil sa pag-iyak na ginawa sa pagkamatay ng ama niyang si Mang Gerry. Nu’ng major concert kasi niyang Silver, nawala talaga ang kanyang boses kaya kinailangan niyang i-stage muli ‘yon.
“I am being careful. Kasi ‘yung sa Silver I got sick eh. So I am trying be careful now. Inaalagaan ko ang sarili ko although may acid reflux ako, I am still taking medicines para hindi masyadong mag-weak ang aking throat.
“And then during sa wake, hindi ako masyadong umiyak. I was…Umiyak ako pero hindi ako masyadong umiyak. Kasi nakakaubos ng boses ‘yung pag-iyak eh. Can you imagine if I was crying the whole week? Malat na malat na ako ngayon!
“So…Not that I am trying to…Para bang? Anong tawag diyan? Pinipigil ko ang pagluluksa ko! Hindi naman. Umiyak na rin naman ako pero controlled! Naks! Oo puwede naman ‘yon!
“I feel sad pag naaala ko siya. Parang hindi na ‘yung…Kasi ang totoo, puwedeng…I read it somewhere. If you’re really, really sad, three minutes lang talaga ‘yung iiiyak mo from that sadness and then, longer than that, it’s you actually doing….Ha! Ha! Ha! So I just let myself (cry) that two or three minutes! Ha! Ha! Ha!†paliwanag ni Regine sa pagharap sa press kaugnay ng Voices of Love Valentine concert nila ni Martin Nievera sa SM Mall of Asia ngayong Friday.
Kahit na nga nagluluksa, itinuloy ni Songbird ang rehearsals ng show at pati natanguang corporate shows ay sinipot niya, huh!
Todo nga ang pasasalamat niya sa ipinadamang suporta ng asawa na si Ogie Alcasid nu’ng oras ng pagdadalamhati niya.
“Oh he was with me last year pa lang nu’ng Papa was hospitalized. He was with me all the time! Kahit busy siya, he’ll make it a point na ‘pag tumawag ako, sasagot agad siya. Alam niya na kailangan ko ng may kausap.
“Kasi when you’re going through something like this, you just need your partner to be there! To listen to you, to hold you. Eh minsan, ganoon lang ang gusto ko eh. Ihu-hold lang niya ako, tapos, ililibre niya ako! Ha! Ha! Ha! Bigyan niya ako ng bag! Ha! Ha! Ha! Alam na alam niya!
“Tapos, ‘pag sobra na akong depressed, ang ipapakita lang niya sa akin, karga na niya si Nate! Dati si George eh (aso nila). Ngayon, si Nate na! Ha! Ha! Ha!†kuwento pa ni Regine.
May ngiti na rin sa labi ni Reg ngayon dahil ayon sa kanya, nakapahinga ang kanyang ama.
“Wala nang stress. Natuwa nga ako dahil ‘di ba, may scoÂliosis siya? Nakahiga na siya ng diretso. No pain! May ipin na! Ha! Ha! ha! I’m sure, kumakain na siya ng chicharon baboy! Paborito niya ‘yon! Ha! Ha! Ha!
“But other than that, natuwa ako dahil natupad ang pangarap niyang mabigyan ko siya ng apo! Kamukhang-kamukha niya si Nate. Maybe si Nate ang ipinalit sa kanya!†saad pa ni Songbird.
Tulad ni Regine Martin inilublob din ni Mang Gerry sa tubig
Lingid naman sa kaalaman ng lahat, Mang Gerry-trained din si Martin Nievera. Naranasan din niyang lumublob sa pool gaya ni Regine na training ng ama.
“Lumaki nang lumaki ang lungs ko and that remained the Mang Gerry theory that your lungs have to be enormous and you have to breathe very fast! Do a lot with a little breath. So I was also Regine Velasquez-trained!†pagmamalaki ni Martin.
Handa na nga raw si Martin na saluhin si Regine kapag umiyak na ito sa concert, huh! Maging kanta ni Reg ay kinailangan niyang pag-aralan kung sakaling dumating ang oras na umiyak na siya sa stage dahil sa wala na ang ama na si Mang Gerry.
Anyway, nais ding pasalamatan nina Martin at Regine ang sponsors ng kanilang Voices of Love gaya ng PLDT Home, Bench, Mcdonald’s, Pacific Blue Shades and Watches, Victoria Court, Luxent Hotel, Farlin Baby Products, Bonakid Pre-school, Zim Cleanser, Pest Off, Midas Hotel and Casino, Philippine Star, Philippine Daily Inquirer, Business World, People’s Journal, People’s Tonight, pep.ph, Adstrat World, Radio High 105.9 and Crossover 105.1, 101.1, Yes FM, 96.3 Easy Rock.
- Latest