^

Pang Movies

Wally ‘di napigilang umiyak sa pagbabalik-TV!

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Bumuluga na si Wally Bayola kahapon sa Eat Bulaga matapos ang halos anim na buwang self-imposed vacation. Itinaon sa birthday ng ka-tandem niyang si Jose Manalo ang pagsipot niyang muli sa programa. Sa isang barangay sa Paco, Manila, naganap ang pagluha ni Wally, huh!

Nag-trending nga si Wally sa Twitter sa pagbabalik niya sa noontime show. Inihayag naman ng ilang netizens ang tuwa nila sa pagsulpot muli ng komedyante.

Medyo behave nga lang si Wally sa Juan for All All for Juan segment ng Bulaga. Wala pa ‘yung ingay niya at pagpapakuwela. Hinayaan muna niya sina Jose at Paolo Ballesteros na magpakuwela sa segment.

Ang alam namin, magpapahayag pa si Wally ng paumanhin sa manonood ng programa. Komo deadline time na, sa susunod na columns na lang namin ito isusulat.

By March, nakatakda na ring bumalik sa Celebrity Bluff si Wally.

Max umaming ang pagiging independent ang pinaka-worst na ginawa sa pamilya

Nilayasan pala ni Max Collins ang kanyang pamilya at isang taon siyang tumira sa States. May kinalaman ‘yun sa nais niyang maging independent. Pero bumalik din siya sa piling ng pamilya at feeling niya, ‘yun ang worst na ginawa niya kaugnay ng pagmamahal sa pamilya.

“Four years ago, iniwan ko ang family ko. Nagpunta ako sa States. Gusto kong maging independent. It was only my mom, myself, and my brother. Iniwan ko talaga sila!

“Nahirapan sila without me. Hindi naging buo ang family namin. I stayed about a total of a one year. That’s the worst thing I did dahil inabandona ko sila.

“The best thing I did was binalikan ko sila. And I tried for my losses. I tried to make up for abandoning them,” sabi ni Max na bida sa GMA afternoon prime na Innamorata.

Pagdating naman daw sa pag-ibig, wala pa raw best at wala pang worst na nangyari sa kanya.

Ryan, muntik maging bading!

Hindi alam ng Koreano na si Ryan Bang kung bakit sinasabihan siyang bakla ng kasamahan niya sa Banana Split at Banana Nite. Ayon sa kanya, hindi rin niya alam kung bakla siya.

Pero papunta na ba sa pagiging bakla?

“Muntik na pero bumalik ako! Ha! Ha! Ha!” sabi ni Ryan sa grand presscon ng Kapamilya Comedy Shows.

Feeling nga niya, hindi naman daw siya nagpapatawa ‘pag nagbibitaw ng linya. Takang-taka raw ang lahat kapag tumatawa na sila sa mga banat niya, huh!

Eh, sino’ng mas magaling na komedyante sa kanila ni Jayson Gainza?

“Si Jason! Idol ko siya!” saad ni Ryan.

Eh, si Pooh, idol din ba niya?

“Si Pooh idol ko rin dati! Pero muntik na akong pumunta doon (sa pagiging bakla)! Kaya lang, bumalik ako. Ha! Ha! Ha!’ sakay ng Koreano.

 

vuukle comment

ALL ALL

BANANA NITE

BANANA SPLIT

BY MARCH

CELEBRITY BLUFF

EAT BULAGA

NIYA

PERO

RYAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with